SIDE STORY 1: Her Blood Bank SVEN YOSEF'S P.O.V "Oh kamusta naman ang date n'yo kahapon?" usisa sa akin ni Cory. Cory's my best friend since we were child, at dahil doon ay mas naging malapit pa kami ng malaman namin na pareho kaming nagkakagusto sa lalaki kaya naman noong nag-aaral pa kami ay palagi na kaming magkasama. At dahil din dun ay nakilala na namin ang nagiging boyfriend's ng isa't-isa at ngayon naman na in a relationship ako with Caleb ay nagsi-share ako sa kanya kung anong ganap sa buhay naming dalawa ng boyfriend ko. Unlike other gay guys pareho kami ni Cory na ayaw magsuot ng damit pambabae, kahit pa na alam namin ang totoong gender namin. At dahil dun ay hindi maiwasan na may nagkakagusto sa aming mga babae. Hindi naman talaga kami totally feminine kumilos dahil hindi