SIDE STORY 2: Liking CASIMIRA DAWN'S P.O.V "Oh. Anong meron? Mukhang in good mood ka yata, ah?" takang tanong ng kambal kong si Caius sa akin habang may tinatype ito sa phone na hawak niya. Kasalukuyan kasi kaming nasa mansyon at nag-uusap kaming tatlo kapag may libreng oras kami. At dahil kasi palagi kaming busy ay bihira lang din kami magkaroon ng pagtitipon-tipon na tatlo. Busy din kasi ako sa schedule ko bilang doctor kaya naman minsanan na lang din akong umuuwi sa mansyon. At nakakauwi lang ako sa mansyon kapag kailangan ko rin mag-deliver ng blood bag na iinumin namin ni Dmitri. Bigla na lang akong napangisi ng maalala ko si Yosef. "Nako! Malala ka na, Cas. Bigla-bigla ka na lang ngumingisi diyan," natatawang sabi naman sa akin ni Dmitri kaya naman napairap ako sa kanya dahil sa