SIDE STORY 4: Motive CASIMIRA DAWN'S P.O.V "The food is ready!" nakangiting anunsyo ko habang isa-isa naming nilalapag ni Yosef ang mga pagkain sa mesa. Nang mapabaling ako kay Yosef ay napansin kong namumula pa rin ang mga tenga niya. Do'n ko lang ulit naalala ang ginawa ko kanina. Nalasahan at naamoy ko lang naman ang dugo niya kanina ng masugatan siya sa daliri niya. Amoy honey ang dugo niya at hindi lang kasing amoy ng honey ang dugo niya. Kasing lasa din ng honey ang dugo niya dahil matamis din ito. Bukod pa do'n ay hindi na rin ako nagtaka na amoy honey at lasang honey ang dugo niya dahil may kutob na rin ako ng una pa lang. Honey kasi ang isa sa mga paborito kong pagkain ng mga tao. At kung nagtataka kayo kung bakit hindi man lang ako nagbago ng anyo bilang bampira ng makaamoy