SIDE STORY 5: Choconilla CASIMIRA DAWN'S P.O.V Dahil panibagong araw na naman ngayon at kakatapos ko lang sa duty ko ay nagpasiya ako na guluhin ang kambal ko at si Dmitri sa VS company. Nang mabuksan ko ang pintuan ng opisina ni Caius ay nakita ko siyang nakapangalumbaba at mag-isa lang siya sa loob ng opisina niya dahil wala si Dmitri sa loob. "Bored?" ngising tanong ko sa kanya bago ako naupo sa couch sa loob ng opisina niya at napabuntong hininga naman si Caius. "Anong ginagawa mo rito? Tapos na ba ang duty mo sa hospital?" tanong niya sa akin. "Yeah, ikaw? Kamusta na ang paghahanap mo kay choconilla girl?" nakangising tanong ko ulit sa kanya kaya naman tumaas ang kilay ni Caius sa sinabi ko. "Choconilla?" takang tanong niya at mahina naman akong natawa. "I mean, it's weird if