"Yes, she's pregnant," minulat ko ang aking mga mata. Unti-unting gumalaw nang marinig ko ang isang boses. "P-pregnant? W-when? I-I mean...ilang buwan na siyang buntis?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Arwel. Nakahawak pa ito sa kaniyang ulo. Dahan-dahan akong umupo. Napalingon sila sa akin. Mabilis na lumapit sa akin si Arwel. Inalalayan niya ako. Tinanggal ko ang kaniyang kamay. "Careful," sambit niya. Ano bang careful? Itinulak na nga ako ng fiance niya. Ano pa kinakatakot niya sa pamamagitan lang ng pag-upo ko. Humarap ako sa doctor. "Thanks god you're okay and the baby is fine," magsasalita pa lang ako para itanong sa doctor kung ano ang kalagayan nang ipinagbubuntis ko. Pero hindi ko na naituloy, si Arwel na ang kusang nagbalita sa akin. Hindi ko siya pinansin.