Layla POV Pasado alas diyes na ng gabi ako nakauwi. Ang binabalak kong makipag-usap kay Arwel ay hindi na natuloy. Hindi ako nakatanggi sa dalawa na mag bar. Ang hirap tanggihan ng dalawang iyon kapag nagyayaya. Minsan lang naman daw kaya kung puwede sumama na ako. Hindi naman ako nalasing. Medyo nahihilo lang. Papasok na ako. Nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko iyon. Laking gulat ko nang masilayan ko si Arwel. Nakaupo habang naninigarilyo. Ngayon ko lang nalamang naninigarilyo pala ito. Bumuga ito ng usok habang nakatingin sa akin. Ang buong akala ko tulog na ito. Hinintay niya kaya ako? Nakatitig lang siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, pero naisip ko na lang na daanan siya. Baka gusto niya mapag-isa. Sa susunod na araw ko na lang siguro siya kakausapin. "Sin