Chapter 16: Her anger Jaymie. "That two." Saad ni Marky sabay duro sa dalawang lalaki na nag-uusap. Napakunot ang noo ko. "You serious?" Tanong ko. "Kailan pa ako nagbiro, Jaymie?" Umismid nalang ako sa naging sagot niya habang pinagmamasdan 'yung dalawang lalaki mula rito sa restricted library. Medyo lumalalim na ang gabi pero nandito parin kami sa school, pati na rin yung dalawang lalaki. By the looks on their face, hindi sila kailanman mapaghihinalaan na may masamang balak. "So, ano na ang plano mo ngayon? Kikilos ka na ba? Or you still want more evidence?" Tanong ni Marky sa akin. "Tell me the untold story." Saad ko sa mababang tono. Maya maya pa ay nakita kong may nilabas na isang box na itim si Marky at binigay sa akin. Kinuha ko ito at pinindut ang nag-iisang button. M