Chapter 15: Prophecy Jaymie. Padabog kong binuksan ang main door ng palasyo at nagmartsa papasok. Pagrakarating ko sa living room ay nadatnan ko sina Mom and Dad kasama sina Tita Keisha, Rhea, Sofia, at Tito Patrick, Xander, Vince, Frost, Lance, Erland na tahimik na naka-upo. Kasalukuyang hinahagod ni Daddy ang likod ni Mommy para pakalmahin siya. Huminto ako sa paglalakad at naramdaman ko rin ang presensya ng mga kaibigan ko sa aking likuran. "Dad, can you state why Ethan is missing?" Saad ni Jiro sa ama. "We're not sure, son. But something isn't right." Stressed na sagot ni Tito kay Jiro. Napahilamos ako ng mukha at galit na tumingin sa ibang direksyon. "Mahal na hari, mahal na reyna! Nandito na po ang mensahera!" Saad ng isang butler na tila galing sa isang matinding takbo.