bc

Black Eagle IV: Brazen: Frederick Legrand

book_age16+
1.1K
FOLLOW
10.8K
READ
dark
kicking
like
intro-logo
Blurb

I have always loved you since I was ten…”

Frederick Legrand, a private mercenary and a member of The Black Eagles. He was considered Don Rodrigo Alvarez's greatest possession. Pero taliwas sa inaasahang loyalty ng mayamang pilantropo ay tila isang mapanganib na asong may matalas na pang-amoy ang binata.He wanted one thing from him, revenge!

Pero hindi kasama sa paghihiganting iyun ang masangkot ang nag-iisang anak na babae ng Don. Ellis Alvarez is way out of his league, pero paano natagpuan ni Rick ang sariling nag-aalala sa damdamin ng dalaga. Hanggang saan siya dadalhin ng hinahangad na paghihiganti kung ang kapalit nun ay pagkawasak ng pamilya ng dalagang pilit mang itinatanggi ng isipan pero hindi maiwasan ng pusong uhaw sa pag-ibig.

Posible bang mabuo ang isang pagmamahalan sa pagitan ng poot at paghihiganti?

chap-preview
Free preview
Prologue
1996, Yekaterinburg, Russia Jean Pierre Legrand. Isa itong French diplomat na hinirang ng bansang France para magsagawa ng diplomatic works sa bansang Russia. Kasama ang asawa nitong si Anastasie at ang tatlong mga lalaking anak ay lumipat ang buong mag-anak sa naturang bansa. It was totally different life for everyone. Pagkatapos ng ilang taon pagpapalipat-lipat ng mag-anak sa iba't ibang bansa dahil sa trabaho ng ama ay titira sila doon ng tatlong taon ng diretso.Hindi naman gaanong nahirapan ang lahat dahil ang ina ng tatlong mga bata na si Anastasie ay marunong magsalita ng Russian dahil ang lola nito ay pure Russian. Isang araw ay naimbitahan ang mag-asawang Legrand upang sa isang party upangi-congratulate ang isang Rusian Oligarch sa pagkakatanggap nito ng isang international award. Vladimir is becoming one of the influential man in the country dahil hindi lang ito isang magaling na businessman. Pero naakyat na rin nito ang isang mataas na government posisyon sa naturang bansa. Salamat sa tulong ng bagong hirang na Presidente na ginamit ang impluwensya upang matulungan ang lalaki sa adhikain nito. Ang bulungan-bulungan ng iba, dahil sa negosyong defense contractor ni Vladimir , ang VLADIMIR  INDUSTRIES kaya nais ng dalawa ang magsanib pwersa. The two men wanted Russia to be the strongest country in the world in terms of making a defense weapon. Jean Pierre Legrand was placed there for a reason. Hindi alam ng lalaki na iyon ang magiging mitsa ng magiging buhay nito at ng asawa. That night, they were assassinated and some of the diplomats from other countries who had attended the thanksgiving party. Dahil sa pangyayaring iyun na naibalita hindi lang sa parteng iyun ng mundo ay biglang naging ulila ang magkakapatid na sina Frederick, George at William Legrand. Sa isang iglap ay tuluyang nagbago ang buhay ng magkakapatid. At the age of thirteen, they suddenly found themselves homeless not long after they migrated to a foreign country. Salamat sa pagkupkop ng isang Filipino philanthropist based in Moscow Russia na si Rodrigo Alvarez sa mga bata ayun na rin sa utos ni Vladimir Agapov ay nakahanap ng pansamantalang tirahan ang tatlo. Napilitang bitbitin ni Rodrigo ang magkakapatid sa sarili nitong bahay. Sa kabila ng gulat ng asawang si Eliza na bagong panganak lang sa anak na babaeng si Ellis. "Hindi ka mahihirapan dahil marami tayong katulong." "Pero hindi yun ang inaalala ko Rigo. Kung mga Pilipino ang mga batang yan ay wala akong ibang magiging komento. Gusto ko ang ideyang may makakalaro si Riley. Pero hindi sila marunong mag-Tagalog." Isinatinig ng ginang na hindi nito gusto ang paraan ng pagtitig ng tatlong bata. "Ganun lang talaga tumingin ang mga batang yan. Katulad din ng ama nila. Pero kailangan ko silang panatilihin sa poder ko hanggang sa takdang panahon. They will be in good use to me." Mula sa kinaroroonan ay tinanaw ni Rodrigo ang tatlong batang nakaupo sa sofa. Ni hindi nagsasalita ang mga ito at nakatitig lang sa kawalan. Marahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matanggap ang parehong pagkawala ng magulang. "Ano ang gusto mong gawin ko sa kanila?" Untag ni Eliza sa pananahimik ng asawa. "Wala kang gagawin kundi hayaan silang tumira rito pansamantala. Ipapadala ko ang magkakapatid sa kung saan sila nararapat sa tamang panahon." Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi ni Rodrigo. Siya ang gumawa ng trabahong para kay Vladimir. At malaking pera ang kapalit na nakuha niya ng dahil doon. Unti-unti nang nararamdaman ang pag-angat. Tama ang naging desisyong manatili sa kumpanya nito. Pag-uwi ng Pilipinas ay titiyakin niyang hindi na lang siya isang ordinaryong pilantropo. Masyado na siyang nagpaka-martir sa pagkakawang-gawa pero ni minsan ay hindi nakatikim ng kaginhawaan ng buhay. Kapag nakalikom na ng malaking pera ay magtatayo siya ng sarili niyang kumpanya at gagamitin ang lahat ng nalalaman. Hindi habang-buhay ay pwede siyang gamitin ni Vladimir sa mga nalalaman. Rodrigo Alvarez is a brilliam man! Isa ito sa mga magagaling na tauhan sa VLADIMIR ENTERPRISES kaya naging mabilis ang pag-angat ng kompanya sa pag-develop ng mga weapons at missiles na sinu-supply sa mga malalaking bansa. Malaki naman ang sinasahod kung tutuusin. Pero hindi habang-buhay ay magiging tauhan nalang siya. Para saan pa ang pagiging magaling sa mga ganoong bagay kung gagamitin lamang iyon sa pagpapayaman ng ibang tao. Isa iyon sa pinakaaasam niya, ang umangat sa buhay. Hindi siya iiwan ng naging unang asawa kung nagkaroon lamang ng malaking pera. Pinalis sa isipan ang galit sa pagkakaisip kay Shiina dahil sa pagsama nito sa kanang-kamay niya. His friend Crisanto took his wife and ran away. He will get his revenge once he gets the money he deserves for working hard all through this years. Nadungisan din lang ang mga kamay niya kaya ipagpapatuloy nalang iyun. Kapalit ay ang limpak-limpak na perang maaari niyang mahawakan. Muling nilingon ang kinaroroonan ng magkakapatid. Matalino si Jean Pierre Legrand, pero hindi iyon alam ng mga anak nito. Sa pagkakaalam ng trese-anyos ng mga bata ay ulila na at walang pera ang mga ito. If only they knew. And he will take hold of it in no time. "Ipapadala ako ng kumpanya sa bansang America. Mayroon akong nabiling bahay at lilipat tayong lahat." Si Eliza ay nanlaki ang mata sa narinig. "Paano ka nagkaroon ng perang pambili ng bahay sa bansang iyon?" Buong pagtataka ng babae. Dating katrabaho ang asawa sa isang maliit na kumpanya sa Maynila kung saan naging magkasintahan sila nito. Nang maghiwalay silang dalawa ay saka lang nalaman na ipinagbubuntis ang panganay na anak na si Riley. She planned on telling him. Pero nagpunta ito sa Russia upang doon magtrabaho. Iniluwal niya ang sanggol at inalagaan. Ang huling naging balita dito ay ikinasal ito sa isang banyagang babae kaya hindi na siya naghabol pa. But earlier last year, they met again. He was heartbroken for some reason. Nalaman ni Rodrigo ang pagkakaroon nito ng anak sa kanya. And he immediately offered marriage. Kung paano nagawa na magkaroon sila ng papel gayung kasal ito sa una ay hindi niya alam. She got pregnant immediately with Ellis na ngayon ay ang hawak-hawak na sanggol. Kumpara dati ay mayroon na itong pera ngayon. Hindi na siya nagtaka dahil talaga namang magaling itong empleyado. Mataas ang posisyon nito sa kasalukuyang pinagtatrabahuhang kompanya at madiskarte sa ginagawa nitong import-export na sariling negosyo. Sa katunayan ay may sarili na itong mangilan-ngilang tauhan sa kinaroroonang bansa. Sa pakiwari ni Eliza ay napaka-swerte niyang babae sa pagkakaroon ng asawang tulad nito. Kung sana ay buo ang pagmamahal nito sa kanya. Madalas ay nararamdaman niyang isa lamang siyang tau-tauhan sa bahay nito. But she couldn't ask for more dahil sustentado siya kahit nasa bahay lang. At talagang mahal niya ang lalaki. "Hindi mo dapat tinatanong kung saan ako kukuha ng pera. May trabaho ako at maganda ang negosyong ipinundar ko dito." Matabang nitong sagot. "Hindi naman sa ganun Rigo..." Iwinasiwas nito ang kamay. Senyales na hindi na nito gusto makipag-usap pa. "Marunong mag-english ang mga bata. Ilalagay ko sila sa pangangalaga ko at isasama natin sila sa Amerika. Doon ko pagdedesisyon kung ano ang gagawin ko sa kanila pansamantala." Tumalikod ito. "Hindi mo man lang ba kakargahin ang anak mo?" Huminto si Rodrigo. "Galing ako sa labas. Hayaan mong makaligo ako bago ko hawakan ang anak ko. Dapat ay alam mo yan. Kung ano-anong mga kemikal at materyales ang nakasalamuha ko sa pabrika." Tuluyang iniwan ang asawa. Paglipas ng dalawang linggo ay lumipad ang mag-anak kasama ang magkakapatid na Legrand pagpunta sa New York kung saan nakabili si Rodrigo ng isang magandang bahay sa Manhattan. Doon napagdesisyunang papasukin sa isang ordinaryong eskwelahan ang magkakapatid kasama ang anak na si Riley bago isagawa ang balak. The children does not get along but never fought. Dahil na rin siguro sa pagiging tutok ni Eliza sa mga ito. The woman beceme a mother to the three dahil narin sa fondness ng mga ito sa anak na babae nito. At pagsapit ng pang-seventeenth birthday ng mga ito ay ipinasok ang tatlo sa Navy Seal upang mag-training. Nagagawi lang ang mga ito sa bahay ng mga Alvarez sa tuwing magbabakasyon ang mga ito mula sa army. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook