Frederick I: The sad heart

2088 Words
Malibu California, 2016 Paglabas niya ng sliding door ay sinalubong siya ng isang malakas na hangin at bumungad ang walang hanggang dagat. Malayang umapak ang paa sa sahig at naglakad papunta sa hilera ng mga lounge chairs na nakapwesto sa unahan ng malawak na verandah kung saan nakaharap siya sa Pacific Ocean. Malibu Road. Sa isang mataas na bahagi ng isa sa pinakamahal at eksklusibong lugar sa California ay nakatayo ang mansyon ng mga Alvarez. Kapitbahay lang naman nila ang ilang sikat na Hollywood stars, rappers at NBA players. Hinawi ni Ellis ang suot na mahabang puting bestida at naupo saka tumanaw sa napakalawak na dagat. She is starting to get bored gayung kararating lang niya doon kahapon. Kung sana ay natuloy din ang ina sa pagpunta doon ay may makakasama man lang siyang maglakad sa baybayin. Pero sa halip ay nagsabi itong sasama nalang sa mga amiga nito papunta sa Paris sa sobrang pagkaburaot niya. She'd been dying to spend some time with her own mother. O di kaya naman ay ang mga kaibigan na inaya niyang magpunta roon. Some of her schoolmates in Harvard University used to go there with her. At bakit hindi? It's in Malibu! At hindi lang basta sa public Malibu beach, pero sa mansyon nila sa Carbon Beach. It wouldn't be nicknamed as billionaire's beach for nothing. Ellis Alvarez is currently taking up software engineering and she is being good at it. Kaya nga mas paborito siya ng ama kaysa sa kuyang si Riley. Pero imbes na ipagpasalamat iyun ay labis na kinaiinisan dahil sa paglayo ng loob ng kapatid.  Their own father used to praised her in front of their family. Isang dahilan kung bakit hindi niya gaanong kasundo ang nakatatandang kapatid. Riley at twenty five is nothing to their father. Ni hindi ito maasahan sa kahit na anong negosyo ng ama. At sa halip ang interes ay nasa show business. Noong nakaraan lang ay inuungot nito ang pagpapatayo ng sarili nitong agency. Pero labis-labis na tumanggi ang daddy niya. Napalingon siya nang maramdaman ang isang taong nakatayo sa may sliding door. "Mommy!" Gulat na bulalas. "What are you doing here? I thought you are in Paris?" Napasunod siya ng tingin sa maarteng paglakad ng ina palapit. Naupo ito sa katabing lounge chair. Pagkatapos ay tinanggal ang limited edition na Cartier Panthere sunglass na nilagay sa ulo.  "Hindi na ako tumuloy. Nabalitaan kong nasa Pilipinas ang daddy mo. Gusto kong pumunta tayo doon." "I thought he was in Russia." Kinalakihan na ni Ellis ang hindi madalas na pagsasama ng mga magulang. Her father is very busy with his business at mga philanthropic jobs nito sa iba't ibang mga bansa. Ang mommy naman niya ay nahilig sa fashion at glamour sa nakalipas na mga taon. Isa marahil na dahilan kaya madalas ay hindi nagkikita ang dalawa. But they are both very civil sa harap nilang magkapatid at sa harap ng madla.  "That's what I thought too. At napag-alaman kong panay ang uwi niya sa Zamboanga. If it's in Manila, I wouldn't be this worried." She half-smiled. At nahuli iyon ng ina. "Bakit ka nangingiti diyan?" "You are gorgeous mom." Pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Aminado siyang hindi pang beauty queen ang itsura ng sariling ina. Katamtamang tangkad ng isang ordinaryong Pilipina at makinis ang morena nitong balat. At hindi rin naman pahuhuli sa itsura lalo at naaalagaan nito ang sarili. Aminado siyang dito nagmana ng pisikal na katangian. She is a a proud morena. Ilan sa mga kaklaseng European at mga Amerikano ang naiinggit sa kulay. Ang mga dating nambu-bully sa kulay ay kinaiingitan na siya ngayon. Pero sa kabila nun ay hindi siya nagkaroon kahit kailan ng isang seryosong relasyon. Masyadong istrikto ang daddy niya pagdating sa kanya. Rodrigo wanted her to finish her studies. Pagkatapos ay pamahalaan ang mga businesses nito. And she loves her father para tanggihan ang mga kahilingan ng ama. She's currently nineteen years old now. Ang sabi ng ama, pagkatapos na pagkatapos niyang makapag-aral ay pwede na siyang makipag-boyfriend. She can get married if she wanted to. Pero dapat ay okay sa lalaking mapapangasawa kung sakaling siya ang magmamana ng halos lahat ng negosyo nito. And that will be overwhelming knowing na hindi lang sa Pilipinas sila mayaman. They were talking about dollars dahil sa import-export business na under sa Ellis Enterprise. Sana ay makahanap siya ng lalaking walang inferiority complex sa sarili kapag nagkataon. Oh, she had a few flings dala ng kapusukan. Plus one person rejected her because of being inexperienced. That damn man! Naningkit ang mga mata sa pagkaka-isip rito. Ngayon niya pinagsisisihan ang ilang beses na pagtatapat rito. Ang pagsasabi ng saloobin ng tatlong beses kay Frederick Legrand ay isang bangungot na dala-dala niya hanggang ngayon. Last one was almost three years ago. Pero parang nakikini-kinita parin niya ang ngisi nito sa minsang naging statement. "Sorry senorita, but I don't like inexperienced woman! Lalo na ang hindi katangkarang katulad mo. You will not be able to handle me in bed." At ang huling insidente nilang dalawa na hanggang ngayon ay tila naging trauma sa kanya. Para siyang nagising sa isang mala-bangungot na pangyayari sa buhay niya. Realizing that Frederick Legrand is just nothing! Isa lamang itong tau-tauhan ng ama. Someone who couldn't afford to buy her one single Hermes bag. Sa totoo lang ay gusto niya itong makaharap ngayon at ipamukha ritong nagpapasalamat siyang hindi siya pinatos nito noon. "A gorgeous woman na tuluyan nang nilisan ng panahon." Malungkot na saad ng ginang na pumutol sa sandaling pagkakahulog sa malalim na pag-iisip ni Ellis at tumanaw sa malayo. "This is the longest time your father stayed in the Philippines." "Come on mommy, I'm sure that he is just busy with his business." Pag-encourage sa ina. Kahit kailan ay hindi niya narinig ang tungkol sa pambababae ng ama. Madalas ay wala itong oras sa kanilang pamilya, pero para sa kanya ay ito pa rin ang pinaka-the best na ama sa lahat. Dahil sa kadahilanang inuubos nito ang oras sa pagtatrabaho mabigyan lang sila ng magandang buhay. At higit sa lahat ay marami itong natutulungan hindi lang kapwa nito Pilipino but a lot of in need people from poor countries. Mula sa tinatanaw ay humarap si Eliza sa anak. "Naka-bakasyon ka sa university, hindi ba. Imbes na manatili ka rito ay sumama ka sa akin, kayong dalawa ni Riley sa Pilipinas. Matagal nang inuungot ng kuya mo ang umuwi doon. I think it's high time for us as a family to have a little time together. Tamang-tama at gusto kong bisitahin ang Zamboanga." Nagusot ang mukha niya sa narinig. She doesn't like provinces. Siguro dahil nasanay siyang nakatira siya sa New York, sa mansion nila sa Manhattan. Ang kinaroroonan nila ngayon ay ang pinaka-bagong property ng daddy niya na nabili nito sa isang kakilalang nalugi ang negosyo kaya naibenta ang bahay sa mas murang halaga sa orihinal na presyo. Or else hindi ito bibilhin ng ama. And she asked him to put the property under her name as a gift. Gusto niya doon dahil naririnig ang tunog ng hampas ng alon. An amazing spot dahil kahit saan ka bumaling na bintana ay halos dagat ang nakikita mo. She preferred it than being surrounded with a lot of trees. Ang tinutukoy ng ina na pupuntahan nila ay napapalibutan ng maraming puno. Not to mention ang hirap pa ng signal and all. "Why not go there by yourself mom, kayong dalawa ni daddy. So you can spend time together para mawala yang kung anong nasa isipan mo. Ngayon ka pa ba maghihinala sa kanya?" Sa tingin niya ay very inappropriate ang inaakto nito. She's been busy with her own thing. Kung nais nitong makuha ang buong atensyon ng ama, sana ay naging mabuting asawa ito. She is not condemning her own mother, pero sa tingin niya ay huli na para pigilan  ang ama kung sakaling nambabae ito. Every man needed a supporting wife in his side, at nasaksihan ng mismong mga mata na hindi ganuon ang ina. "No, we will go there as a family." Desididong turan ng ginang at tumayo. Tumanaw sa isa sa pinakamagandang shorline sa buong California  "Sasabihin ko sa assistant ko na ayusin ang lahat ng papers natin and to book us a ticket." "And kuya Riley?" "He will go with us. Alam mo naman ang kuya mo. Between you two, mas napapaluguran niya ako." Dinampot ang fresh orange juice at inubos ang laman ng baso. Alam niyang magdamdam man siya ay hindi magbabago ang opinyon sa kanya ng ina. "You are quite growing old like your father. Have a life Ellis! Hindi lang puro pera ang nagpapatakbo sa mundo." "Very ironic because you use dad's money to pamper yourself with all the extravagance that you can have." "Ellis! I am still your mother. Hindi porket pinapaburan ng daddy mo ang lahat ng ginagawa mo ay pwede mo na akong pag-salitaan ng ganyan." Namula ang banat na banat na mukha ng ginang. She raised up her hands and in a very calmed tone she said, "I am not being sarcastic mom. Hindi mo kailangang magalit. Ewan ko sa inyo ni kuya kung bakit kayo laging paranoid sa bawat lumalabas sa bibig ko."  "He is paranoid because he is supposed to be at your father's side." "And you? When will you become a mother to me?" Eliza was caught off-guard. Ellis continued. "Gusto ko ring maranasan maging anak sa inyo. Simula nang sabihin ni daddy na ako ang gusto niyang mamahala ng mga negosyo niya ay tuluyan nang lumayo ang loob ninyo sa akin. I am also your child." Hindi napigilang pasaring rito. "You are a daughter to me Ellis." Lumikot ang mga mata nito. "Kaya nga gusto kong pumunta tayo ng Pilipinas. Ayokong aminin ang paratang mong may pagkukulang ako sayo dahil binabantayan ko kung ano man ang nangyayari sa buhay mo. Nga lamang ay wala akong karapatang pakialaman ang desisyon mo." Pinagmasdan niya ang ina. She was totally different person from she was ten years ago. Thanks to the photos that she still have. Isa itong probinsyana mula sa Zamboanga na nang mapangasawa ng ama ay sandaling nanatiling ganuon. But what changed her remained a mystery to everyone. "I want you to get involve in my life also. Tulad ng pagsuway niyo kay kuya Riley. Ang paggabay ninyo sa kanya." "As if pakikinggan mo kung ano ang sasabihin ko?" Her mother sighed. "Tigilan na natin ang usapang ito. Kung ano man ang nangyari sa  nakaraan ay kalimutan na natin. Uuwi ako ng Pilipinas at sasama ka. Kayo ng kuya mo."  "Then I have to cancel my date with Jeremy Reynolds." Isa itong Filipino-American businessman na gusto ng amang i-date niya. They went out twice already. She doesn't consider having a relationship with him in the near future for now. Pero isa ito sa mga taong hindi siya gagawan ng masama. Kaya naman pinaunlakan niya ito. And now he's inviting her to his private yacht in Mediterranean. Naipaalam na niya iyon sa ama at pumayag ito. "Isa sa mga kasosyo ng daddy mo." She isn't even asking but rather confirming. "Ayokong isipin na isa sa mga araw na ito ay magpapakasal ka ng hindi ko alam." "I only spent a few days with him. Hindi mo kailangang mag-alala kung magpapakasal na ako. You will be the first person to know about it." She gave her a reassuring smile. "I will make sure of that." Tumayo at nagpatiuna sa pagpasok sa loob ng bahay. Mula doon ay nagsalita. "You gave me a reason to contact Jeremy for the first time. Pero hindi ko tiyak kung ikatutuwa niya ang sasabihin ko." Pagkalapit sa telepono ay agad kinontak ang numero sa bahay ni Jeremy sa Empire State Building. Of course ay answering machine ang sumagot. "Hey Jeremy, its Ellis. Sorry to cancel your invitation by the last minute. I have to fly to Philippines with my  mom and my brother. I'll call you once I get back from there. Take care." Agad na binaba ang tawag pagkatapos ay humarap sa inang alam niyang nakatayo sa likuran. "See, I can do that for you mom. Hinihintay ko lang palaging mag-reach out kayo sa akin. I am not a bad daughter." Imbes na sumagot ay tinungo nito ang kwartong marahil ay siyang ookupahin nito. Matabang siyang tumingin sa bintana at tumanaw sa walang hanggang dagat. Money really can't buy happiness. At lalong hindi nun patatagin ang pundasyon ng may lamat na relasyon ng isang pamilya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD