Huling gabi ng lamay ni Papa Arnulfo. Alas sais pa lang ng gabi pero sunod-sunod na ang pagdating ng mga tao. Iyong iba ay mga pamilyar na mukha, samantalang iyong iba ay hindi ko kilala. Isa sa maagang nagsidating ang mga taga Strategy. Halos kumpleto silang lahat at hindi ako magkandatuto sa pag-estima sa kanila. “Na-miss ka namin, Athena,” nakangiting sabi ni Agnes, “balik ka na sa Strategy.” Ngumiti rin ako sa kanya, “may babalikan pa ba ako?” “Oo naman! Sinecure ng fiance mo ang posisyon mo, kaya walang pwedeng pumalit doon.” “Shhh! Wala na kami, Agnes, ano ka ba?” Nanlaki ang mga mata ni Agnes. “Parang hindi ’yan ang press release nila ni Sir Arnulfo sa Strategy.” Nagtaka naman ako. Magtatanong pa sana ako kay Agnes nang tawagin ako ng dating team ko. “Boss A! Join ka muna