CHAPTER 76 - DATE

1901 Words

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakapikit. Gusto kong matulog na, pero ewan ko ba at ang ilap ng antok sa akin. Nagdilat ako ng mga mata. Tanging ang mga ilaw sa mga dingding ng kuwarto ni Jett ang tanging tanglaw namin dito. Naisipan kong silipin si Jett sa lapag. Dahan-dahan akong umisod papunta sa dulo ng kama. Buong ingat kong iniangat ang ulo ko para silipin si Jett. Nakita ko ang nakatagilid nang higa na si Jett. Nakaharap siya dito sa kama. Nakapikit siyabat mukhang tulog na tulog na. Mabuti pa siya. Tulog na tulog na. Dinig ko pa ang mahina niyang paghilik. Bigla akong nakaramdam ng inggit kay Jett. Sabagay, sabi nga ni Leandro kanina, kagabi pa walang tulog si Jett. Naawa tuloy ako bigla kay Jett. Totoo kayang ang dahilan niya ay para hintayin ang pagdating ko?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD