"Bakit hindi ka na kang dito matulog? May isa pa namang kuwarto sa taas," sabi sa akin ni Mrs.Ybañez. "'Mama!" pagkontra naman ni Pamela. Bukod-tanging si Pamela lang ang kumontra sa tatlong nagkapatid. Kahit naman hindi siya kumontra ay hindi ko gugustuhing matulog dito sa bahay nila. Pakiramdam ko, kapag dito ako natulog ay may gagawing masama sa akin si Pamela. Kalmadong nilingon ni Mrs. Ybañez si Pamela, tapos ay nagbaling ng tingin sa akin. "Hindi na po, Mam. Nami-miss ko na rin po ang unit ko. Saka kailangan na ring malinisan nun." Nakita ko sa peripheral vision ko na nilingon ako ni Jett. Nagtataka siguro siya kung bakit sinabi ko sa mga Ybañez na sa condo unit ko ako tutuloy, samantalang pumayag na ako kanina na doon ako sa condo niya matutulog ngayong gabi. Ngayong gabi lan