Gusto ko sanang yakapin si Jett at umiyak sa dibdib niya. Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko na wala na ang ama ko at ni hindi ko man lang siya nakausap o nakita sa mga huling sandali niya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa mga kabutihan niya sa akin. Mas inuna ko kasi ang pagtakas. Mas inuna ko ang sarili kong nararamdaman. Pati ang kumpanyang iniwan niya sa akin ay iniwan ko rin. Ni hindi ko man lang siya tinanong kung okay lang ba sa kanya. Iniwan ko na lang iyon nang basta-basta. Ang gusto ko lang noon ay makalayo. Makalayo kay Mama. Sa mga Madrigal. At kay Jett. Parang may sasabihin yata si Jett nang biglang sumulpot si Pamela. "Jett, nandiyan si Vice President, hinahanap ka." Hindi nagsalita si Jett, pero tila humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang tingin niya sa akin.