"Nakakainis 'yang mukha mo!" inis na sabi ko kay Jett. "Why?" malapad ang ngiti na sagot niya. "'Yan! Ano ba kasi'ng nakakatawa?" Kanina pa kasi 'yang mukha niyang ganyan. Hindi niya magawang itikom ang mga labi niya. Kanina pa nakalabas ang mga ngipin niya simula nang nililinisan niya ng basang bimpo ang mula puson ko hanggang sa kalahati ng hita ko. Sa totoo lang, nahihiya ako kay Jett. Pero ano'ng magagawa ko, konting kilos ko lang ay nagpapa-aray na ako. "Walang nakakatawa, boss. Masaya lang ako," pagpapaliwanag niya habang ingat na ingat siya sa pagdampi nung maligamgam na bimpo sa maselang bahagi ng katawan ko, "sobrang saya ko lang, para akong tumama sa lotto. Ganun." Natameme ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay tumama rin ako sa lotto. "Ganun pala ang pakiramdam ng mga na