Nakatitig ako sa mga mata ni Jett habang nakaupo ako kandungan niya. Umangat ang isang kamay niya habang titig na titig siya sa mukha ko. Dinala niya ang kamay niya sa gilid ng tenga ko, at saka iniipit sa likod ng tenga ko ang nakaladlad kong buhok doon. "You really are beautiful…" Halos pabulong lang niyang sabi iyon, habang hindi binibitawan ang pagkakatitig sa akin. Awtomatik na nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Parang ayaw kong maniwala na ganun talaga ang tingin niya sa akin. O baka dahil dala lang ng kalasingan niya? Kung sarili ko ang tatanungin ko, hindi ako kagandahan at isang ordinaryong babae lang ako. Pero sa paraan ng pagkakasabi ni Jett, pakiramdam ko tuloy ay pang-Ms. Universe ang beauty ko. Umayos ng upo niya si Jett, kasabay ng pag-ayos niya ng pagkaka-upo ko sa