Nakaidlip na ako sa sofa, pero hindi ko pa rin nakita o naramdamang dumating si Jett. May biglang kumatok sa pintuan. “Come in!” inaantok kong sabi. Bumukas iyon, at saka pumasok si Trish. “Boss A, pinadalhan ka ni Sir Jett ng lunch mo,” sabi niyam habang bitbit ang isang brown paper bag ng isang kilalang matagal nang restraurant. “Bakit? Siya? Kumain na ba siya?” “Hindi pa tapos ang meeting, boss. Nandoon nga si Jen, kasama rin nila. Kaya nga ako ang napag-utusan sa food mo.” “Iyon ba iyong kanina pa niyang meeting nang dumating kami? O iba na uli ‘yan?” “Iyon pa rin, Mam. Iyon iyong problema nila sa mga nagalaw na pera ni Mam Pamela dito sa Strategy.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yata alam ‘yun? “Boss, hindi mo alam ‘yun?” Dahan-dahan ang pag-iling ko, pilit kong inaa