Araw ng Lunes. It was supposed to be an ordinary day. The usual. Gigising. Maliligo. Bibiyahe papunta sa Strategy, Inc.. Ding! “Good morning, Mam!” malapad ang ngiti na bati ng usual na guard-on-duty sa aming palapag paglabas ko ng elevator. Muntik na akong mapatigil sa paglalakad sa pagtataka. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganun sa buong pagdu-duty niya dito sa palapag namin. Isang simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero nagulat ako nang makita ko ang team ko sa labas ng pintuan ng kuwarto ko. “Good morning, Mam/boss A!” sabay-sabay nilang pagbati sa akin. “Oh? Himala? Bakit kayo nandito?” “W-Wala po, Mam!” “Hinihintay ka lang namin, boss.” Ikinunot ko ang noo ko. Ano ba ang nangyayari? “Go back to your desks,” utos ko sa