Wala kaming imikan ni Jett sa elevator. Nasa pinakalikuran kami dahil kami ang unang pumasok. Nasa ika-anim na palapag daw ang kuwarto ni Hyacinth. Pagdating sa ikalawang palapag, nagbukas ang pintuan ng elevator at bumungad ang stretcher na may nakahigang pasyente. “Excuse me lang ho, ah,” sabi nung hospital staff, “makikisiksik na po kami. Kailangan lang talaga naming makabalik sa kuwarto ng pasyente. Excuse… excuse…” Gumilid ako para makalayo nang konti kay Jett. Susundan sana ako ni Jett nang may lalaking naunang umusod sa tabi ko. Ang sumatutal, magkatabi kami nung lalaki, habang si Jett ay nasa likod naming dalawa nung lalaki. Pero hindi nagtagal may naramdaman akong kumiskis sa balat sa braso ko. Nang tingnan ko ay nakita ko ang katabi kong lalaki na sadyang idinidikit at ik