"Hi, Athena! Long time no see!" bati sa akin ni Zaekah, ang kapatid ni Kuya Zyrus. Isa na siyang international model ngayon, base sa nakikita at nababasa ko sa mga balita at sa online. Sino nga ba ang mag-aakala na ang chubby na prinsesa ng mga Samaniego noon ay isa nang may perfect body ngayon? Tipid akong ngumiti kay Zaekah, "nakikilala mo pa pala ako," sagot ko sa kanya. Bahagyang tumawa si Zaekah. "Oo naman! HIndi kita malilimutan katulad nang hindi ka makalimutan ni Jett namin." Pagkasabi niya nun ay nagtawanan ang iba pang mga kasama namin sa mesa habang sa akin sila nakagtinging lahat. Parang nahuhulaan ko na kung ano ang nasa isip nila ngayon na nandito ako sa private family gathering ng mga Madrigal. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. "Actually... Jett is working wi