Napansin ko na tila biglang aligaga sa tabi ko si Jett. "Ahm... boss Athena...?" Nilingon ko si Jett na hindi pa rin mapakali. "Pwede ka nang mauna dun," sabay nguso niya sa direksiyon kung saan nakaset-up ang pa-dinner ng mga magulang niya. Sinundan ko ng tingin ang direksiyon na inginunguso ni Jett, pero bigla ko rin uli itong ibinaling kay Jett. Ano raw? Pinigilan ko ang pag-igkas ng isang kilay ko. Boss Athena? Tama naman ang pagkakarinig ko. Pero bakit kanina lang na paglabas namin ng villa nila Hyacinth ay Athena lang ang tawag niya sa akin? Ngayon, sa harapan ng babaeng ito ay boss na? Nag-iwas ng tingin sa akin si Jett, kaya iyong babaeng nakasalubong namin ang pinagbuntunan ko ng tingin. Nakatingin pa rin ito sa akin na para bang pinagaaralan niya ang mukha ko. Napans