“Mam! Mam!” Napahinto sa paghahagis nung telepono ko si Mama. Nilingon niya iyong isang tauhan niya na sumundo sa akin. “Bakit?” nakataas ang isang kilay na tanong niya doon sa lalaki? “Mam, sayang… akin na lang. Tamang-tama, inuungutan ako ng anak ko ng cellphone. Pwede na ‘yan…” Mabilis akong sinulyapan nung lalaki, tapos ay mabilis ding nag-iwas ng tingin sa akin, mukhang nahiya siya na naririnig ko na inaarbor niya ang telepono ko mula kay Mama. Nilingon ako ni Mama. Tila nananantya ang tingin niya sa akin. Gusto ba niyang makita ang reaksiyon ko? Inaasahan niya sigurong kokontra ako at magmamakaawa. Pero hindi ko iyon gagawin. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. HInayaan kong isipin niya na balewala sa akin kung mawala man sa akin ang telepono ko. Ayaw kong isipin niy