“Boss, iutos mo na lang sa isa mga tauhan dito sa mansyon iyang bibilhin mo.” “Ayoko. Baka magkamali pa sila ng bili. Sensitive pa naman ang private part ko. Iyon lang brand na iyon ang hiyang doon," reklamo ko kay Jett. Kailangan ko kasing bumili ng sanitary napkin na hiyang sa maselan kong parte ng katawan. Pero dahil nga pinag-iingat kaming lahat ay ayaw akong payagan ni Jett na lumabas. "Tsk! Boss… huwag matigas ang ulo, please…" "Sandali lang naman ako. Saka may cap naman akong suot, saka shades. Saka… tanghaling tapat. Ang daming tao sa labas." "Mabuti pa, sasamahan na lang kita," pagboboluntaryo ni Jett. "Ano ka ba? Mas obvious tayo kapag ikaw ang kasama ko. Masyado kang sikat para hindi makilala agad. Saka, lalayasan mo sila Tito at Josh dito? Ano ka ba?" Nagkamot ng bato