Chapter 60: Surname

2941 Words

Julianna Tahimik ang buong sala habang pare-pareho kaming nakaupo. Ni isa ay walang naglakas ng loob magsalita, at makikita kay Donnel at Tita Angie--na sinamahan kami rito--ang pagiging hindi komportable. Maging ang mga nag-aalaga kay Lolo ay mukhang ramdam ang biglaang pagshi-shift ng aura rito sa bahay dahil sa puntong makita nila si Jercie, kaagad silang nagpaalam na lalabas muna sandali. At sa aming lahat, si Jercie lang itong feeling at home, na naka-de-kuwatro habang nakahilig ang isang braso sa may itaas ng sandalan ng upuan. Bukod pa roon, pagala-gala ang mga mata niya, na parang ngayon lang nakapunta rito. Nakakainis siyang tingnan. Ang sarap niyang ipagtabuyan! Pakiramdam ba niya ay welcome siya rito? Akala ba niya ay ayos lang sa akin na nandito siya? Ano ba ang kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD