Chapter 1

1568 Words
LEI POV MAGMULA ng bata palang ay mainit na ang dugo sa akin ni Jacob. Sa tingin niya inaagaw ko sa kanila si Daddy Sean. Kahit ilang beses siyang pagsabihan ni Daddy Sean na maging mabait sakin. Still, hindi nagbabago ang tingin sa akin ni Jacob. Jacob Mazen Manzano. Gwapo, Matalino at mabuting Anak sa Pamilya Manzano. Walang hindi magkakagusto sa isang tulad niya. Ang malas ko nga sa dinarami- rami dyang lalaki ay sa kaniya ako na fall. Mali man sa ibang tao dahil nasa iisang bubong lang kami nakatira. Hindi ko mapipigilan itong nararamdaman ko para sa kaniya. Maraming ginawa sa akin si Jacob para saktan ako. Gusto na nga igive-up ni Daddy Sean si Jacob sa sobrang sutil nito. Lagi na lang ako pinagsasabihan ni Daddy Sean na umiwas sa kaniya dahil alam niyang walang mabuting gagawin sa akin si Jacob. Hindi sana ganito ang buhay ko kung buhay pa ang magulang ko. Maaga kasi sila kinuha ni Lord. Si Daddy Sean na halos ang nagpalaki sa akin. Kaibigan siyang matalik ng biological Dad ko. Kaya napunta ako sa pangangalaga ng Pamilya Manzano. Masaya ako na may sumalong hindi ko kadugo ang umampon sa akin. Lately, madalang na lang umuwi si Daddy Sean. Si Mamita na ang nag-aalaga sa akin dahil hindi ako maasikaso ni Daddy. Problema din kasi siya sa nangyayari sa kanila ng asawa niyang si Tita Althea. Kahit noon pa ay ramdam ko ang pagiging malungkot ni Daddy nung wala na sa piling niya si Tita Althea. Ngayun ay nakabalik na siya. Tingin ko nga ay hindi na sila magkakaayos. Maraming nangyari sa kanila. Mabuti na lang at hindi rin nagtagal ay nagkabalikan na sila. Nalagay din sa peligro ang buhay ni Daddy Sean pero salamat sa diyos ay bumalik din ang ulirat niya. Hindi niya kami iniwan lalo na't kailangan niya pa makasama ang mga anak niya na si Jacob at Arianne. Matagal din silang hindi nagkakilala at nagsama dahil sa nangyari kay Daddy Sean at Tita Althea. Unang araw ko ngayun sa bahay ng Pamilya Manzano. Kinuha na ako ni Daddy Kay Mamita para sama-sama na kami sa iisang bahay. Tinanggap din ako ni Tita Althea bilang anak niya. Pitong taon ako ng magsimula akong magkagusto kay Jacob. Tanda ko pa kung pano ako nainlove sa kaniya. Sa batang edad ko na to ay masasabi ko na totoo ang feelings ko para sa kaniya. Hawak ko ang toys ni Jacob. Nakita ko kasi ito sa living room. Kailangan ko ibigay sa kaniya sigurado kasi na ako ang pagbibintangan niya na tinago ang mga toys niya.. Mabuti na lang at nakita ko agad siya sa Pool Area. Masama ang tingin niya sa akin ng makita ako. “Bakit na sayo yan?” Aniya sa akin. Ibigay ko sa kaniya ang toys. “Here, nakita ko yan sa living room. Ako na naman kasi ang pag-iinitan mo kapag di mo yan nakita.” hinablot niya sa akin ang laruan. Aalis na sana si Jacob ng ngumisi ito. Nasa gilid kami ng pool at laking gulat ko na naitulak niya ako. Sinubukan ko lumangoy pero hindi ako marunong. Humihingi ako ng tulong dahil baka malunod ako. Si Jacob naman ay hindi alam ang gagawin. Tinawag niya si Daddy sean sa loob ng bahay. Hindi na ako makahinga hanggang sa paunti-unting sumasara ang mata ko. hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari sa akin. Nagising na lang ako na katabi ko si Daddy Sean. “Lei, mabuti at gising ka na.” Aniya sa akin. “Daddy Sean.” Sabi ko. “I'm sorry iha. Ikaw na naman ang pinagtripan ni Jacob.” Ngumiti ako kay Daddy Sean. “It's okay Dad. Okay na ako. Don't worry na.” Ani ko. Mula noon ay hindi na ako lumalapit pa sa pool. Nagkaroon kasi ako ng trauma dahil sa ginawa ni Jacob sa akin. Elementary kami ng may magkacrush sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit maraming nagkakagusto sa akin. Wala naman special sa akin para magustuhan nila. May time pa na nakita ako ni Jacob na inabutan ng chocolate at flowers ng isang lalaki. Syempre ako, tinanggap ko at nagpasalamat sa kaniya. Nagalit si Jacob. Kinuha niya ang Flowers at Chocolate sa akin. Sinira niya at tinapakan. Nainis ako sa kaniya at sinigawan siya. ningisian lang ako ni Jacob at umalis na siya. Nagsorry ako sa nagbigay sa akin. Kinabukasan nun ay di na lumapit sa akin yung lalaki. Nagfocus ako sa studies ko. Walang gustong lumapit sa akin dahil sa banta ni Jacob. Pili lang din ang gustong kumaibigan sa akin. Kasama ko sa park si Jacob. Nag-away kasi kami ng friend ko. Siniraan kasi niya ako sa iba naming friends. Sinabi niya na ampon lang ako at iniwan ako ng parents ko. Hindi niya alam ang totoo kaya sa sobrang sakit na naramdaman ko ay hindi ko namalayan na umalis ako sa School at naglakad-lakad. Hindi ko nga napansin ang pagsunod sa akin ni Jacob. Umiiyak lang ako hanggan sa napagod ako. Naupo ako sa bench. Iniisip ko kung hanapin ko kaya ang magulang ng parents ko. Gusto kong lumayo. Malayong-malayo sa kanila. Pero naisip ko din na hindi ako gusto ng mga lolo't-lola ko kaya hindi nila ako kinuha nung baby pa ako. Ngayun pa kaya na malaki na ako. Walang gustong kunin ako kasi ako ang sinisisi nila kung bakit nawala sa kanila ang parents ko. Masakit na katotohan. Magagalit kaya sa akin si Daddy Sean kapag inamin ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko?. Gusto ako amponin ni Daddy Sean at legal na gawin anak nila. Hindi ako pumayag kasi alam ko na magagalit sa akin si Jacob. Tyaka tanging alaala ko na lang sa namayapa kong magulang ang apelyido na binigay nila sa akin. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay Jacob. “I just want to see you crying it makes me happy.” walang pakundangan niyang sabi. Ang pagpigil kong huwag umiyak ay hindi ko na napigilan pa. Umiyak ako sa harapan niya. Mas nilakasan ko pa. Hindi alam ni Jacob ang gagawin. Hindi naman mukhang masaya ang mukha niya. Parang malungkot pa nga siya habang pinagmamasdan ako. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumabi siya sa akin. Pinasandal niya ako sa balikat niya. Tumigil ako sa pag-iyak. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ko sa kaniya. “Ang pangit mong umiyak.” Aniya sa akin. Tinignan ko siya at hindi ko mapigilan ang matawa. Nag-iba ang itsura ni Jacob. Takang-taka siya sa akin. Maya-maya lang ay ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. “Thank you Jacob.” Sabi ko. “Don't thank me. Hindi ako nandito para sayo.” Pagdedeny niya. “Eh bakit ka ba nandito?” Tanong ko. Hindi niya ako sinagot sa halip ay natahimik siya. Doon ko lang narealize na everytime na umiiyak ako. Lagi nandyan si Jacob para samahan ako. Wala siyang ginagawa sa akin basta nasa malapit lang siya at pinapanood akong umiyak. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang sigurado ako at yun ay kahit papaano may care pa rin siya sa akin. Nag-decide ako na umuwi na din. Pagod na ako umiyak pa. Ang gusto ko na lang ay humilata sa bed at ibuhos ang sakit na dala-dala ko. Hinanap ng mata ko si Jacob. Bigla na lang kasi siyang umalis. Nagulat ako ng may Malamig na bagay sa pisngi ko. Hawak ni Jacob ang Ice Cream cone. Kumakain siya habang ang isang kamay niya ay nasa harap ko at hawak ang Ice Cream. Agad ko iyon kinuha sa kaniya. Tumabi sakin si Jacob. Tahimik kaming kumakain ng Biglang basagin ni Jacob ang katahimikan. “Do you feel better now?” He asked. I Slowly nod my head. “That's good to know.” He said and show me his Cute dimple. Nakita namin ang Mamang lalaki na may hawak na Balloon. Puro iyon Cartoon Character. Nakita ko ang Star. Biglang nagningning ang mata ko. Mula noon palang ay mahilig na ako sa Stars. Para kasi akong stars, kahit na madilim ang mundo ko ay palagi ako nagnining-ning. Kahit na si Dad ay lagi yun ang sinasabi sakin. Ako ang nagbigay ng liwanag sa kaniya. Kapag malungkot ako ay dapat nakangiti pa rin ako. Ayokong maging Mahina sa harap ng ibang tao. Bibili sana ako ng makapa na wala pala akong dalang pera. Hindi ko napansin na umalis sa tabi ko si Jacob at Binili ang Star na Balloon. Lumapit siya sakin at inabot ang strings ng Balloon. Ngumiti ako sa kaniya at Nagpasalamat. “I don't want to see you sad. Kung may dapat lang na magpalungkot sayo. It was me and not somebody else. Remember this Lei. No one ever touch and Make you Cry if it wasn't me. Do you understand?” Naguguluhan man ay Tumango ako kay Jacob. Nakita ko ang pag-silay ng ngiti sa kaniyang labi. Kahit na ganito kami ni Jacob. Napapagaan niya ang loob ko. Kung minsan siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Bumabawi siya sa alam niyang paraan. May times din na mabait siya sakin kapag walang nakakakitang iba. Ewan ko ba rito kay Jacob. Para siyang dalawang Uri ng tao. Isang Masama at sobrang sungit na Jacob. Ang isa naman ay Mabait at maarugang Jacob. Kahit ganun ay Tanggap ko siya katulad ng pagtanggap sakin ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD