LEI POV
PAGTUNTONG ko ng High School. Maraming nanligaw sa akin. Hindi ako pumayag kasi gusto ko makapagtapos ng pag-aaral para maipagmalaki ni Daddy Sean.
Kasama ko si Ari. May ipinakita siya sa aking picture ng lalaki.
“Ano sa tingin mo Lei Gwapo ba?” Tanong nito sa akin. Pinagmasdan ko ang lalaki.
“Gwapo naman.” Sagot ko.
“Tingin mo ba bagay kami?” Aniya habang hindi mapigilan ang kiligin. Natawa naman ako.
“Bagay na bagay.” Sabi ko.
Natahimik kami hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
“Alam mo Lei. Parang may kakaiba kay Kuya. Lagi na lang siya napapaaway tapos ang nakakagulat doon yung mga nakakaaway niya yung mga gustong manligaw sayo. Pagdating sayo protective si kuya pero pagsa akin parang wala lang.” Aniya.
“Mali ka ng iniisip sa kuya mo. Kaya nya siguro ginagawa yun para walang magkagusto sa akin.” Sagot ko.
Umiling si Ari. “Ewan ko ba Lei. Gusto ko na nga magtampo eh. Lagi na lang busy si Kuya halos wala na siyang time para samin. Puro na lang si Zhaira ang kasama niya.”
“Alam mo naman na gusto niya si Zhaira di ba. Bata palang tayo si Zhaira na ang gusto niya. Wala ka naman magagawa kahit magreklamo ka dyan.”
Tumango si Ari. “Tama ka dyan Lei.”
Nagpunta kami sa Gym. Kasalukuyan kasi may laro ang groupo ni Jacob.
Nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang pagngiti niya banda sa akin.
Para sa akin ba ang ngiti na iyon o para sa kapatid niya?
Naupo na kami ni Ari. Pinanood namin si Jacob. Halos lamang ang kalaban pero biglang ginanahan si Jacob.
Sunod-sunod itong nakashoot ng bola. Tuwang-tuwa kami habang pinapanood sila.
“Ang galing ni kuya.” Sabi ni Ari. Agad akong sumang-ayon.
“Tama ka ari.”
Hanggang sa natapos ang laro. Hindi na pinascore ni Jacob ang kalaban. Lumapit agad kami ni Ari kay Jacob.
“Ang galing mo kuya.” Aniya sa kapatid. Nagthank you naman si Jacob kay Ari.
Nagpaalam na siya sa amin at pinuntahan si Zhaira. Pinagmamasdan ko sila. Ngumiti sila sa isa't-isa. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa nasaksihan.
Hinila na ako palayo ni Ari. Pagdating ng hapon. Nagpunta ako sa garden nitong School.
Lumanghap ako ng sariling hangin. Naupo ako bermuda grass. Hindi ko napansin ang pagdating ni Jacob.
Tumabi siya sa akin. “Anong ginagawa mo dito?”
Hindi ito tumingin sa akin. “Hinahanap ka na ni Ari. Hindi makakarating si Dad para sunduin kayo. Tinawagan ako ni Dad. Sasabay kayo sakin.”
Tumango ako bilang tugon. Kinuha ko ang mga love letters na binigay sa akin.
Kumunot ang noo ni Jacob ng makita ang hawak ko. Agad nitong kinuha sa akin.
Sinira niya ang lahat. Tuwang-tuwa pa siya habang ginagawa ito.
Sinita ko agad si Jacob. “Bakit mo sinira? Babasahin ko pa yan.”
Hindi ako pinansin ni Jacob sa halip ay ningitian ako ng nakakaloko.
“Basura naman mga yan.” Aniya at tumayo na.
Inis na tumayo na rin ako. Sumunod ako sa kaniya. Nakita namin si Ari na naghihintay na sa amin sa kotse ni Jacob.
“Sorry ngayun lang kami.” Sabi ko kay Ari ng makalapit kami. Sumakay agad si Jacob.
“Okay lang Lei. Kakarating ko din naman.” sagot niya sa akin.
“Hindi mo ba ako hinahanap? Sabi ni Jacob-” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng magsalita si Jacob.
“Tama na Chismisan. Hindi pa ba kayo papasok? Iiwan ko kayo.” Aniya sa amin. Agad kaming pumasok sa kotse ni Ari. Mahirap ng maiwan.
“Kuya. Bakit hindi mo kasama ngayun si Zhaira?” Tanong ni Ari sa kapatid.
“Sinundo siya ni Tito Zack.” ngumisi si Ari.
“Nakita ko si Zhaira kasama si Calvin. Hindi naman si Tito Zack.” sabi ni Ari. Nagkibit balikat lang si Jacob.
“Malay ko, yun naman ang sinabi sakin ni Zhaira.” Sagot ni Jacob.
Tahimik lang ako nakikinig sa kambal. Hindi pa rin tinitigilan ni Ari si Jacob.
“Tinawagan ko si Dad. Sabi mo raw sayo na kami sasabay. Bakit biglang nagdilang angel ka ngayun kuya.”
Sinilip siya sandali ni Jacob.
“Pwede ba Ari. Kung ano-ano sinasabi mo. Ang daldal mo.” Sita nito sa kapatid.
“Oo na tatahimk na.” Sagot ni Ari at sumimangot.
Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang magkapatid. Ako naman ang napansin ni Ari.
“Saan galing yan Chocolate mo Lei?” Pinakita ko sa kaniya.
“May nag-iwan nito sa desk ko kanina. Tinanong ko nga mga classmates ko wala naman silang nakita kung sino ang naglagay.” Napangiti si Ari.
“Akin na lang.” Masaya nitong sabi. Aabutin na sana niya ng pigilan siya ni Jacob.
“That's not your's Ari. Ano ka patay gutom.” Nainis si Ari sa sinabi ng kakambal niya.
“Palagi ka na lang panira kuya.” Sumimangot si Ari.
“Ang taba-taba mo na nga kakain ka pa niyan.” Ani ni Jacob.
“Hoy! Excuse me. Hindi ako chubby ano.” hinarap ako ni Ari.
“Hindi ako mataba right Lei?” Tanong nito sa akin.. Pinagmasdan ko ang katawan ni Ari. Medyo tumataba na nga siya. Siya kasi ang kumakain ng mga nakukuha kong chocolate. May misterious man kasi ang nang-iiwan ng chocolate sa akin. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na meron na sa bag ko.
“Hindi naman.” Tanging sagot ko na lang.
“See kuya, Sexy ako.” Proud nitong sabi kay Jacob. Tinawanan lang siya ni Jacob.
Nagkatitigan kami ni Jacob sa rearview mirror. Ako na ang unang umiwas.
Pagkarating namin sa house. Dumaretso agad ako sa room ko. Maya-maya lang ay may kumatok.
Pinagbuksan ko ng pinto. Nagulat ako na si Jacob iyon.. Pumasok siya sa room ko. Nilibot niya ang buong kuwarto.
“May kailangan ka ba?” Tanong ko sa kaniya.
“It's Mom, she wants you to help her in the kitchen.” He said.
“Okay..” I said. Aalis na sana ako ng maalala ko si Jacob.
“Hindi ka pa ba aalis?” Tanong ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin. Naglakad siya papunta sa akin. Naasiwa ako ng as in halos magkadikit na kami sa sobrang lapit niya.
“Malaman ko lang na may pomoporma sayo ng hindi ko alam. Malilintikan ka sa akin.” Pagbabanta niya. Tumingala ako para tignan siya.
“Daig mo pa si Dad kung umasta ka ng ganyan sa akin. Don't worry Mr. Jacob. Hindi ako makikipagrelasyon dahil alam ko ang priorities ko.” sabi ko sa kaniya.
Hindi na siya sumagot kaya iniwan na niya ako.
Gusto ko sana sabihin sa kaniya na unlike him pwede siyang makipagrelasyon sa taong gusto niya habang ako eto at pilit na tinatago ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.
Habang lumilipas ang mga araw. Napapansin ko na halos hindi na mapaghiwalay si Zhaira at Jacob. Malinaw na sa akin na wala talaga akong pag-asa pa kay Jacob. Lalo at pinanlalandakan sa pagmumukha ko ni Jacob na si Zhaira ang mahal niya.
Ano bang laban ko sa kaniya. Matalino, Mayaman at galing sa disenteng pamilya si Zhaira. Bukod sa maganda na maraming nagkakagusto sa kaniya dahil sa sobrang bait niya.
May nakilala ako sa School na ang pangalan ay Guian Carl Cuenca. Same class lang kami at matagal na itong may gusto sa akin.
Hindi ko lang ma-entertain dahil kay Jacob. Ngayun na busy si Jacob kay Zhaira. Feeling ko ngayun na yung tamang panahon para ibaling ko sa iba ang pagtingin ko kay Jacob.
Nagdecide ako na pagbigyan si Guian. Mabait naman siya at caring pagdating sa akin.
Mabuti na lang at nasabihan ko agad si Guain na huwag na ako sunduin or ihatid sa bahay para hindi siya makita ni Jacob. Madalas din kami kumain sa labas at magdate.
Walang nakapansin sa secret relationship namin. Hanggang sa nahuli kami mismo ni Jacob sa mall na magkasama..
Umuwi agad ako sa house ng araw din iyon. Sumunod naman si Jacob ang umuwi sa bahay. Galit na galit ang itsura nito.
Sinabi sa akin ni Jacob na tigilan ko na ang kahibangan ko kay Guian dahil may nauna na sa akin. Matagal na si Guain at ang girlfriend nito. Pinakita pa sa akin ni Jacob ang mga pictures nila magkasama.
Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil nagsisimula na rin ako magkagusto kay Guian..
Nagkulong ako sa room ko at doon itinuloy ang pag-iyak. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Jacob sa room ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kaniya. Mugto ang mata habang nakatingin sa kaniya.
“Di ba sinabihan na kita na huwag ka makipagrelasyon. Pano kung sabihin ko kay dad ang ginawa mo.” Galit nitong sabi sa akin.
“Gawin mo Jacob. Wala na rin kami ni Guian.” Sagot ko sa kaniya.
“Kung nakinig ka lang sa akin hindi na sana mangyayari to.” Aniya pa.
Tinalikuran ko siya. “Ang gusto ko lang naman mahalin din ako.”
Mahinang sabi ko. Ngayun lang ako nagdecide para sa sarili ko tapos ganito pa ang mangyayari.
“Kulang na lang hindi ako maniwala na Meron Love Exists. Sa tuwing magmamahal ako parati na lang ako nasasaktan.” Dagdag ko pa. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Jacob. Niyakap niya ako ng mahigpit. Halos tumigil ang mundo ko.
Bakit mo ba to ginagawa sa akin Jacob. Dapat nga ay masaya ka dahil nasasaktan ako. Naguguluhan na ako sa kinikilos mo pagdating sa akin.