LEI POV HINAGIS ko ang lahat ng niluto ni Jacob. Humalukipkip ako at hindi siya pinansin. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagtitimpi siya ng galit. Mula ng dinukot niya ako. Hindi ko siya pinakisamahan ng maayos. Ilang beses kong sinabi sa kanya na gusto ko ng umuwi pero parang baliwala lang sa kanya. Kaya gumagawa ako ng dahilan para makaalis ako dito at yun ay galitin siya. Hanggang ngayun. Nasa isip ko pa din ang huling sinabi niya pero baliwala na lang ang lahat ng iyon. Limang taon akong naghintay sa kanya. Kahit na sobra na akong nagpapakatanga sa kanya handa akong tanggapin siya sa buhay ko. Naghintay ako pero hindi siya bumalik sa buhay ko. Ibig sabihin lang nun ay wala syang pakialam sa akin o kahit na sa anak ko. Kami lang ni Eros ang kawawa sa bandang huli. Hindi rin