JACOB POV KANINA pa ako dito sa loob ng sasakyan. Naabutan ko pa ng pagdating ko si Lei na papasok na sa trabaho. Di ko mapigilan ang mapangiti ng una ko silang masilayan ng anak ko. Malaking-malaki na si Eros at mas lalong lumitaw ang ganda ni Lei sa nakalipas na taon. Miss na miss ko na sila. At gusto ko sanang magpakita sa kanila pero pinigilan ko ang sarili. Hindi pa ito ang tamang panahon para magpakita kay Lei. Pagkaalis ni Lei. Busy sa paglalaro ang anak kong si Eros sa labas ng hardin. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse. Iniisip ko kung ano ang dapat kong sabihin kay Eros. Kung paano ako magpapakilala sa kanya bilang ama niya. Napagdisisyonan kong bahala na. Ang mahalaga makilala ako ngayun ng Anak ko. Kapag natanggap niya ako bilang ama niya. Makikipag-usap ak