LEI POV HABANG BUSY ako nagluluto ng breakfast ng anak ko ng biglang sumulpot ang nanny ni Eros. Humihingal siya at hindi mapakali. "Anong problema rosa? Paki tawag naman si Eros sabihin mo kakain na." Utos ko sa kanya. Humihingal na sumagot ang nanny. "Yun nga ang problema ma'am wala si Eros sa buong kuwarto pati na rin dito sa bahay. Hinanap ko na rin siya sa labas pero wala rin." Aniya. Nanlaki ang mata ko. "Hindi pwedeng mawala ang anak ko." Tinanggal ko ang suot na apron at nagmamadaling lumabas ng bahay. Buong maghapon akong naghanap kay Eros. Tinawagan ko rin sila Lianne at Nadine baka sakaling nagpunta sa kanila ang anak ko pero wala siya kahit na sino sa kanila. Nawawalan na ako ng pag-asa. Naghintay ako ng Twenty four hours at nagpatulong na sa mga pulis para mahanap ang