LEI POV HINANAP ng mata ko si Jacob. Pagkarating ko sa bahay ay sobrang tahimik. Pati ang mga ilaw ay nakapatay. Gamit ang flashlight ng phone ko. Umakyat ako ng hagdan hanggang sa nagulat ng makitang ang daming candle sa sahig. Papunta sa balcony. Huminga ako ng malalim. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi ako nagdalawang isip pa at binuksan ang door papunta ng balcony. Nakita ko ang pigura ng taong mahal ko. Dahan-dahang humarap sakin si Jacob na may hawak na bouquet. Ngumuti siya sakin dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na magagawa niya ako isurprise. Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit sakin si Jacob. Inabot niya sakin ang hawak. Agad ko naman iyon tinanggap. “Thank you.” I said. Jacob Look at me in the eyes. I can feel his love towards me. Pinaghila