CHAPTER 50

2437 Words

“Good morning, anak ko!” Hinalikan ko pa si Luke nang magising ito ng alas-singko ng umaga. Tumawa siya sa akin. “Mommy!” sabi niya. Tuwang-tuwa ako dahil tinatawag niya akong Mommy, samantalang ang dati niyang Yaya ay hindi niya tinatawag na Mommy. Kahit ganito ang mukha ko, alam niya pa rin kung sino ang totoo niyang ina. Binigyan ko siya ng dede para busog na siya kapag dumating ang yaya niyang magbabantay sa kanya sa umaga. Mas makulit na siya ngayon dahil tumatayo at kung ano-ano na ang hinahawakan. Nakangiti ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang dumede. Habang dumidede siya ay nilinis ko naman ang kalat ng kuwarto niya. Hindi naman ako masyadong puyat dahil sinasabayan ko siyang matulog. Pagkatapos niyang dumidede ay nilalabas ko na siya upang hintayin ang sumikat ang araw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD