Savana’s POV. “Son of a b***h!” napamura ako sa hangin habang palabas ako ng mansyon ng magulang ni Lucas. Hindi ako makapaniwala na pinagtatabuyan nila ako. Sa sobrang badtrip ko, napagdiskitahan ko ang katulong na naglilinis sa sala. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang walis at hinampas ko sa kanya. “Damn it!” sigaw ko. “Aray!” sigaw ng katulong. Umalis ako bago pa malaman ni Lucas ang ginawa ko, ngunit nang palabas na ako ng bahay ay nadulas naman ako dahil naapakan ko ang basahan sa may pinto. “Ouch!” sigaw ko. Bumagsak ako at tumama ang ulo at puwit ko, ngunit wala kahit isang tumulong sa akin. “Ouch! Bwiset!” sigaw ko. Kahit masakit ang puwit at ulo ko ay tumayo at sumakay sa kotse. Pinaharurot ko ito patungo sa bahay namin. Kailangan ko ng taong makakausap para ilabas ang ga