CARLITO’S POV “Dr. Lopez, may pasyente ng naghihintay sa inyo,” wika ng nurse nang salubungin ako. “Ilan na silang lahat?” “Fifteen na silang lahat.” “Sige, papasukin mo na ang naunang pasyente,” tugon ko. “Yes, Doc!” Pumasok ako sa silid kung saan ako titingin ng pasyente. Isa akong neuro surgeon sa isang kilalang private hospital. Naka-schedule ako rito ng tatlong oras. Pagkatapos, lilipat naman ako sa ibang hospital para makita ang ibang pasyente ko. Sinuot ko ang white coat ko. Ilang sandali lang ay pumasok ang isang matandang lalaki na may kasamang babae na nasa edad trenta. “Good afternoon, Doc!” wika ng babae. Ngumiti ako. Ang matandang lalaki na kasama niya ang pasyente ko. Dalawang buwan na ang nakalipas nang operahan ko siya dahil sa tumor niya sa ulo. “Kumusta po ang p