“Halley, narinig mo naman ang sinabi ng mga pulis ‘di ba?” wika ni Nanay sa akin nang makaalis ang mga ito. Tumango ako. “Naiintindihan ko,” tipid kong sagot. Bakas sa mukha ni Nanay ang pag-aalala habang nakatingin siya sa akin. “Kaya ‘wag mo ng gawin ang iniisip mo? Mga pulis na ang bahala kay Lucas.” “Sige, hahayaan ko na lang na ang mga pulis ang kumilos para iligtas si Lucas,” tugon ko. “Mabuti naman kung gano’n. Magpahinga ka na. Sasamahan ko kayo ng apo ko sa kuwarto,” wika ni Nanay. Tumanago ako. “Salamat.” Dumiretso ako sa kuwarto at humiga sa kama. Kailangan na namin matulog para may lakas kami para bukas. Habang nakahiga ako sa kama, iniisip ko kung paano tatakas mamaya. Nagpanggap lang ako na sumang-ayon sa gusto nila para hindi mag-alala ang pamilya ko, pero kailangan ko