“Walang-hiya talaga ‘yang si Savana! Ang sarap sugurin at balatan nang buhay!” gigil na sigaw ni Betina, nanginginig sa galit habang magkausap kami sa sala. Binisita niya ako dito sa bahay ng biyenan ko matapos niyang mapanood ang scandal video kagabi. Halos buong social media, pinagpiyestahan iyon. Kahit hindi naman talaga ako ang nasa video, mukha ko pa rin ang nakita ng lahat. At sa paningin nila—ako ang babaeng marumi. Ako ang babaeng malandi. Ako ang babaeng ikinahiya. Napakabigat sa dibdib. Parang may bumara sa lalamunan ko, pero wala akong mailuha. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magtago. Pero wala akong magawa kundi tiisin ang sakit ng bawat salitang ibinabato sa akin online. Imbes na yakap at katahimikan ang makuha ko kagabi, puro buntong-hininga at luha ang iniabot namin ni Luca