Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong may yumayakap sa akin. Nang imulat ko ang aking mata ay agad kong nasilayan ang mukha ng anak kong si Ian. "Mama... Sana okay ka na po." Paglalambing niya sa akin nang makita niyang mulat na ang mata ko. Sunod-sunod akong napahinga ng malalim dahil sa bigat ng nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.... Pero may tila pumapasok sa isipan ko. "Mama... Alam mo po ba, habang natutulog ka... Sumisigaw ka ng Kalleah, kaya nga po umalis si Papa para bilhan ka saw ng gamot kasi naubos na po pala yung gamot mo para gumaling ka." Sabi pa sa akin ni Ian pagkatapos niya akong yakapin. Kalleah... Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nangyayari sa akin ang mga ito-kapag nakakatulog ako ay nababanggit ko ang pangalang Kal