I H E A R T T H I S G U Y (SPG 18) "KALLEAH.... Kalleah... Gumising ka na." Naalimpungatan si Kalleah nang marinig niya ang boses ng Nanny Carol niya, Naramdaman niya ang pagpunas ng kamay nito sa pisngi niya, "Halika na, ayusin na natin ang mga gamit mo. Umalis na si Sir Kris, heto na siguro ang tamang tiyempo para makaalis ka na dito." Sabi pa ni Nanny Carol sa kanya. Ewan ba ni Kalleah kung bakit tila nagdadalawang isip siya na umalis, pero sa huli ay naging buo na rin ang desisyon niya kaya tinulungan na niya si Nanny Carol na ayusin ang mga gamit niya. Isa-isa niyang nilagay sa isang malaking bag ang kanyang mga damit at habang ginagawa niya iyon ay may luha pa na dumadaloy sa pisngi niya. "N—Nanny... Nalulungkot po talaga ako." Sabi niya kay Nanny Carol. Napatigil naman ang mat