CHAPTER 1

995 Words
Kasalukuyan nga silang nasa loob ng National Book Store. Si Kalleah ang namimili ng mga gamit habang si Kuya Kris naman na nakilala n'ya kanina ay panay lamang ang sunod sa kanya habang nagse-cellphone. Nang makuha naman lahat ni Kalleah ang mga kakailanganin niya ay saka niya iyon ipinakita sa lalaking nasa likuran niya na busy sa kaka-cellphone. Sino kayang ka-text nito? "Kuya, Ito na po lahat ng kailangan ko." Sabi n'ya rito. "Okay." Sagot nito sa kanya at saka naman kinuha ang mga hawak niya. Sumunod siya sa lalaki nang pupunta sa may cashier para magbayad. Nang makapag-bayad na ang lalaki at nakalagay na rin sa paper bag ang pinamili n'ya ay kinuha niya rin agad iyon. "Kuya, Thank you sa 'yo." Ngiting sabi ni Kalleah. Hindi naman ngumiti sa kanya ang lalaki. Sa halip ay seryoso lamang na tumingin ito sa kanya at saglit na napatango. "Kumain ka na ba?" Tanong nito sa kanya, Bigla tuloy siyang napa-isip. Oo nga pala! Hindi pa siya kumakain! Himala at hindi niya nararamdaman ang labis na pagkagutom ngayon? "Hindi pa po eh," "Okay," Tumango muli ito sa kanya, "Kumain muna tayo, bago kita ihatid sa inyo." Saad pa nito, Ihatid? "Ihahatid mo po ako?! Nako! 'Wag na po.." Mabilis na pagtutol niya sa matangkad na lalaki. Napabaling naman muli ang tingin ni Kuya Kris kay Kalleah. "Why?" "Wala naman po," Sagot niya, "Bawal po kasi pumunta 'don 'yung mga strangers, mapapagalitan ako ni Sister kapag may kasama akong iba." "Ahh.." Tumango-tango ito, "Pero hindi na naman ako stranger sa 'yo, di 'ba? Nagpakilala na ako." Sabi pa nito. "Oo nga po, kaso bawal pa rin." "Okay sige." Sagot niya at napakamot sa batok. "Samahan mo nalang ako na kumain, lilibre na rin kita." Sabi nito sa kanya. "Libre?! Wow! Sige po, Kuya!" Sabay silang naglakad patungo sa isang kainan. Hindi niya alam kung anong pangalan ng restaurant na pinuntahan nila, basta ang alam niya ay para lang sa mga mayayaman ang restaurant na iyon. Nag-order na ng pagkain si Kuya Kris, habang siya naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid. "Ano nga palang pangalan mo?" Biglang tanong nito sa kanya. Naalala niya, Hindi pa pala siya nakakapagpakilala sa lalaki, "Ako si Kalleah." "Nice.." Natawa siya sa reaksyon nito sa kanya. Bakit ganon? Kahit hindi ngumiti ang lalaki ay gwapo pa rin ito sa paningin niya? "How old are you?" Tanong nito habang pinaglalaruan ang menu list. "Fourteen na po ako." Sagot naman ni Kalleah, "Ikaw, Kuya? Ilang taon ka na?" "I'm twenty two." Napa-ubo siya sa gulat, "Twenty two po?!" Tumango naman ito, "Yup... Mukha na ba talaga akong old para sa 'yo." Mabilis naman siyang umiling. Hindi naman ito mukhang old, eh. Katunayan ay hindi lang talaga makapaniwala si Kalleah na twenty two na pala ang kaharap niya ngayon, akala niya lang kasi ay nasa eighteen ito o kaya naman ay nineteen. "Hindi naman po, Kuya. Akala ko kasi mga nasa eighteen ka lang? Nineteen?" Hindi na ito umimik. Nagalit kaya ito sa kanya? Hindi naman siguro. Hanggang sa makarating ang pagkain ay tahimik lang silang kumakain. Bigla tuloy nakaramdam si Kalleah ng pagkahiya. "You don't like the food?" Agad siyang napa-iling sa tanong sa kanya ng lalaki. "Hindi po. Masarap nga po, eh." "Okay, eat then.." Matapos silang kumain ay nagpahatid na rin siya sa lalaki. "Kuya, ibaba mo nalang po ako sa may LRT. Sasakay na lang po ako ng jeep patungo sa amin.." Sabi ni Kalleah. "Ihahatid na kita." "H'wag na po.." Ani Kalleah, "Maraming salamat po talaga, Kuya." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki. "Okay, pero... Give me your cellphone number.." Anito sa mahinang boses. Cellphone number? Pero wala naman siyang cellphone kaya agad siyang umiling. "Wala po akong cellphone eh." Napansin niya ang pangungunot ng noo ng lalaki sa kanya. "Okay, saan na lang mismo ang bahay n'yo?" Bahay? "Bahay ampunan po?" Tanong niya. Muling napakunot ang noo ni Kuya Kris, "Nakatira ka sa bahay ampunan?" "Opo." "Ihahatid na lang kita." Sabi ng lalaki sa kanya kaya agad namilog ang mata niya. "...Pero hindi po talaga pwede, bawal po kasi kayo makita nila Sister.." "H'wag ka kabahan." Sagot nito sa kanya. Mapilit ang lalaki kaya hindi na nakapalag pa si Kalleah kaya nang makarating sila sa tapat ng bahay ampunan ay nakita niya agad ang mga guard. "Good evening po." Bati niya sa mga guard. Nananatiling nasa likod niya si Kuya Kris. Nang mabuksan ng mga guard ang gate ay agad nanlaki ang mga mata nito. "S—Sir.... Good evening po.." Eh? Sir? "Good Evening po, Mga Kuyang guard. Kasama ko po si Kuya Kris... Mabait po siya.." Sabi niya sa mga guard. Kinuha niya ang mga bitbit ni Kuya Kris na mga pinamili niya. Ito kasi ang nagbitbit nito para sa mga pinamili niya. Nang makapasok sila sa loob ay saka niya nakita sila Sister, "Saan ka ba naman nagpunta na bata ka? Kami'y nag-aalala sa——Naku po! Sir! Magandang gabi! Ikaw ho pala 'yan..." Eh? Ano bang nangyayari? "Maupo po kayo, Sir. Naku! Pasensya na po sa batang ire ha? Nakita n'yo ho ba na paggala-gala?" Tila kinakabahang tanong ni Sister sa Kuya Kris niya. Huh? Anong paggala-gala? Eh kasama niya nga si Kuya Kris. "Hindi na ako magtatagal. Hinatid ko lang si Kalleah dito." Sabi nito. Napakanuot ang noo niya, bakit kaya panay ang pag-aasikaso nila Sister sa matangkad na lalaking iyon? "Sir, Patapos na po 'yung renovation sa kabilang building, gusto n'yo ho bang makita?" Tumango naman ito, "Babalik na lang ako bukas." Sagot nito at saka tumayo. Ewan ba niya pero kusang nawala ang ngiti niya nang akmang aalis na ito. Pero nagulat siya nang biglang lumingon ito sa pwesto niya at saka siya nilapitan. "I will be back here, tomorrow." "Ahm." Napapatango na lamang siya, "Salamat, Kuya." "See you, Little girl." Little girl? Bigla tuloy siyang napanguso, fourteen na siya eh, may teen na 'yung edad niya ibig sabihin ay teen na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD