Andrew
Hindi nya planong iwan si Yna doon, wala syang balak na ganon, kakausapin lang nya ito at tatakutin para huwag ng gawin ulit ang ginawa nito sa Mommy nya. But he got mad, really mad dahil sa matabil na dila ng Dalaga napuno lang sya kaya nya nagawang iwan si Yna sa batis, wala namang masamang mangyayari kay Yna doon, dahil pagmamay-ari naman nito ang asyenda at marahil kilala ito ng mga tauhan doon, at kung makita ito ng mga tauhan, ihahatid naman siguro ito sa bahay. pero paano kung hindi? paano kung ibang tao ang makakita kay Yna roon? paano kung hindi kilala bilang anak ng may-ari ng asyenda ang makakita rito? kinabahan sya bigla ng maisip na maaaring mapahamak si Yna dahil sa kanya.
"Oh damn!" Mura nya at hinihinto ang kotse. napansin nya na nasa kotse pa ang mga gamit ni Yna. Kinuha nya ang bag at tinignan ang laman non, wallet, make up kit, school stuff and her phone.
"Her phone! s**t!" Mura nya at mabilis na inistart ang kotse.
Yna
"How could he do this to me? paano ako uuwi? pati gamit ko hindi man lang nya binigay! kahit yung phone ko lang sana para matawagan ko ang Daddy ko, at magpapasundo ako sa kanya at, isusumbong ko na sya sa mga pananakit nya sa akin!" parang batang maktol nya.
Nais nyang maiyak pero nagpakatatag sya, hindi sya dapat umiyak ikatutuwa ni Andrew ang pag-iyak nya. malayo ang batis sa bahay ng mga trabahador ng Daddy nya sa asyenda, at sigurado syang hindi nagpupunta ang mga tauhan ng Daddy nya sa lugar na ito, dahil alam nila na ang lugar na yon ay sagrado sa Mommy nya. Kaya laking pagtataka nya kung paano nalaman kaagad ni Andrew ang lugar na yon, ganoon na ba ito kakilala ng Daddy nya pati ang mga lugar na paborito ng Mommy nya eh nadala na nito ang anak ng kinakasama nito.
"I hate you! I hate you so much!" bulong nya sa inis.
Ewan nya kung bakit ganoon sa kanya ang Lalake, well oo masama ang tabas ng dila nya pagdating sa kanya at sa Mommy nito, pero dahil yon ang totoo, walang Goldigger na aamin na isa silang golddigger!
"I hate you Andrew Raven! You're a beast!" halos sigaw na sabi nya dahil sa galit at sama ng loob rito.
Sinumulan nyang maglakad papunta sa gate sa likod kung saan sila pumasok ni Andrew kanina, at mula doon maaari syang makakita ng masasakyan na maghahatid sa kanya sa harapang gate ng asyenda. Pag naka-uwi sya isusumbong na talaga nya si Andrew sa Daddy nya. Dahil malayo-layo na ang nalalakad nya nararamdaman na nya ang pananakit ng mga paa nya, suot pa naman nya ang favorite black high heels nya na tinerno nya sa cream pants na dahil sa pagkatumba nya kanina marumi na rin.
"I hate you!" bulong nya ulit at tinignan ang sapatos na ang dumi-dumi na ng takong dahil sa haba ng nilakad nya, at ng bigla syang nakarinig na papalapit na kotse.
"Sasakyan yon ah!" Bulalas nya na tila ba may pag-asa na sya at naglalakad para salubungin ang kotseng paparating.
"Sana si Daddy!" dasal nya at ng makita nya kung ano ang ginawa sa kanya ng anak ng pinakamamahal nito. Kumunot ang noo nya ng makita ang gray Audi R8 ni Andrew ang paparating. What?! Nakonsensya ba sya at binalikan ako?
Huminto sa mismong harapan nya ang kotse at bumaba si Andrew in all his glory and poker face.
"You're back? nakosensya ka ba?" she asked with raised brow.
Sinulyapan sya ni Andrew. She looks messy, magulo ang mahabang buhok, dahil sa malakas na hangin at mamula-mula ang mga mata nya
"Get in the car!" utos nito.
"Why? saan mo nanaman ako ililigaw?"
"Just get in the car!" Muling utos nito.
"I hate you! I wish hindi na kita nakilala!" galit na sigaw nya rito at sumakay sa kotse at buong lakas nyang sinara ang pinto ng kotse. hindi nya mapigilan humagulgol kahit ayaw nya, masama ang loob nya, natakot sya, masakit ang paa nya, pagod na pagod sya halos 20 minutes rin syang naglalakad
"Stop crying!" He whispered
"Stop crying?! Damn you! you frightened me to death!" sigaw nya habang umiiyak.
"I didn't want to do that."
"But you did! cause you're a beast!" she said between her teeth.
"I hate you! I never met as rude as you! You nothing but a beast!"