Pagdating sa bahay, kaagad na syang umakyat sa silid at banyo kaagad dumeretcho upang maalis ang dumi sa katawan. Habang naglilinis ng katawan nag pupuyos sya sa galit, dahil hindi man lang talaga nag sorry sa kanya ang hambog na si Andrew. Ngayon lang sya may nakaharap na tulad ni Andrew. Nang matapos na sya kaagad nyang binalot ng towel ang katawan at pinagmasdan ang mukha sa salamin, namula yon dahil sa mataas na tirik ng araw kanina habang naglalakad sya. "Kaasar!" Inis na sabi nya habang nakatingin sa salamin. Paglabas ng banyo nagulat sya ng makita si Andrew na nakaupo sa sofa bed na tila relax na relax sa pagkakaupo habang tinitignan ang mga Fly high magazine collections nya. At tila hinaantay talaga nito ang paglabas nya ng bathroom. "What are you doing in here?" Gulat na tano