Pagbaba nya ng Hapunan nakaupo na ang tatlo, ang Daddy nya, Tita Sheila at si Andrew. Iniwas nyang mapatingin kay Andrew dahil, hindi parin maalis-alis sa isip nya ang halik nito. Isama pa ang mga larawang nakita nya with different types of Beauty, and his being richer than her. "Come on hija, nagluto ang Tita Sheila mo ng paborito mong Kare-Kare." Magiliw na yaya sa kanya ng Daddy nya. Alanganin syang ngumiti at naupo na. Hindi nya magawang tignan ang Tita Sheila nya, dahil sa guilt na nararamdaman, mukhang ok naman ito, pero alam nyang nasaktan nya ang damdamin nito kanina, at lalo syang na gu-guilt after nyang malaman na mas mayaman si Andrew kesa sa kanya, kaya malabo ang ibinibintang nya sa mag-ina na gold-digger ang mga ito. "I'm not expert, But I hope you like it." nakangiting