bc

Maghihintay Ako (COMPLETED)

book_age18+
4.6K
FOLLOW
13.1K
READ
others
family
others
goodgirl
drama
sweet
others
coming of age
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Albert Casimiro fell in love with the sixteen years old girl Ashly buenave,as far as he could be taken and his love for the girl who always seemed to be blocking them would wait.

chap-preview
Free preview
SUV
Hi guys? Kung merun man pong mali or error intindihin na lang po ninyo.. maganda po Ang story na ito. Tapusin ko po muna ito bago ko po umpisahan Ang kwento ni Aldrin na Napublish ko na din Ang first Part.. Pakikiligin at papaiyakin po kayo ng kwento ni Albert Casimiro at Ashley buenave.. Happy reading guys. Thank you. ****************************************** ashley!!! sigaw ng kanyang ina na nagpagising sa kanya. 'tumayo kana diyan at ng makatulong kana dito sa akin bago ka pumasok sa eskwelahan' patuloy na sigaw ng kanyang ina. graduating na siya sa 4th year high school. Ang kaniyang ina ay nagtitinda ng agahan sa kanilang harapan ng bahay at Ang kanya naman ama ay isang trysicle driver. nag iisa siyang anak kaya naman lahat daw ay gagawin ng kaniyang magulang para daw makapag tapos siya. yun naman talaga Ang kaniyang gagawin. sa kanilang eskwelahan ay halos lahat ay may mga nobyo at nobya na. pero siya pinangako niya sa kaniyang mga magulang na hindi muna siya tatanggap ng manliligaw hangat hindi siya nakakapag tapos ng pag aaral. marami Ang nagpapalipad hangin sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. merun pa nga hindi lang sa isa o dalawang admirer Ang nag iiwan ng sulat sa kaniyang upuaan sa school, pansinin Kasi Ang kaniyang likas na kagandahan, sa edad niya ng 16 masasabi ng perpekto Ang kaniyang katawan, kaya lagi siya binibiro ng kanyang ina na wag muna mag madali sa pagdadalaga, pero lagi lang niya iyon tinatawanan dahil hindi naman niya ito maiwasan. pagkatapos niya maghilamos at magsipilyo lumabas na siya ng bahay para tulungan Ang kaniyang ina sa pagtitinda, kasalukayan may bumibili dito Ang numero uno Nila na kapitbahay na tsismosa, "Ay mareng carmen nabalitaan mu naba na sa darating na fiesta na lahat ng kadalagahan 16 pataas ay inaanyayahan na maging miss barangay" "at Ang laki ng papremyo ah! at Ang balita isa sa mga judge Ang anak ni governor. uuwe na daw ito kaya Ang dami kadalagahan dito Ang nagpalista sa ating barangay" patuloy sa pagkukuwento Ang ginang pero nginingitian lang siya ng aking ina, dahil hindi likas sa aking ina ang sumagot o mag bigay ng tanong para hindi na mapahaba Ang pagkukuwento ng isang Tao, hindi ko kilala Ang pamilya casimiro pero kilala Ang pangalan Nila dahil Kay governor, Pagkatapos ko suklian Ang kumare ni nanay, napatingin ito sa akin at ngumiti, at may sinabi Kay nanay bago umalis. "aba mare dalagang dalaga na si ashley ah nauna pang nagdalaga sa inaanak mo sakin" pasalihin mo sa miss barangay yan may laban yan!! hindi siya kinibo ni nanay hangang sa tumalikod na lang ito. maaga kami nakaubos ng paninda kaya nine pa lang ng umaga nagliligpit na kami, may oras pa ako para tapusin Ang assignment na nakatulugan ko kagabi, umakayat ako sa kwarto ko at nakita ko bigla umilaw Ang cp ko naka tatlong miscol na pala Ang best friend ko na si Micheal pag sa gabi michaela" may tx siya na mag open daw ako ng fb ko at may chat daw siya sa akin. nailing na lang ako pwede naman niya ako itx sa number ko bakit kailangan pa talaga mag open ako ng messenger Ang katwiran niya para daw sosyal.. natatawa na lang ako sa katwiran niya. michaela: "bez agahan mo pasok ah hihintayin Kita sa canteen. at baka naman may tira kayo almusal diyan pwede din mag baon kana. Alam muna para naman makatipid Tayo" ako: "ok sige bez nagtira talaga si inay ng pansit" hindi ko na hinintay na ma seen niya nag logout na lang ako. dahil may kailangan pa ako tapusin, Naghahanda na ako pumasok malapit lang naman Ang eskwelahan sa amin tatlong kanto lang mula sa aming bahay, pero Yung iba sumasakay pa talaga ng trysicle, katwiran Nila ayaw Nila maarawan. Sa akin kasi bawat piso ay mahalaga Lalo na't nakikita ko ang sakripisyo nila tatay at nanay. malapit na ako sa isang kanto ng mapansin ako isang SUV na kulay itim nung nasa malayo ito mabilis Ang paandar. nung medyo malapit na ito sa akin ay dahan dahan na ang pag usad nito. hangang sa paglagpas nito, napansin ko na huminto ito pero hindi ko na ito binigyan pansin. tuloy tuloy ako sa paglakad hangang sa makarating ako sa huling kanto na pagliko ay eskwelahan na namin.. Agad ko nakita si michael sa dulong upuan ng canteen.. "Ayy bez Ang tagal mo ahh!! bigla niyang bungad sa akin pagkaupo ko, "ano naglakad ka na naman!! ayy ewan ko ba sayo grabe pagtitipid mo ah!! wika Niya na may pagpilantik at irap pa ng mata, hindi na lang ako nagsalita at sabay lapag ng pansit sa harap Niya.. "oh ayan kumain kana!! at nang makapasok na Tayo sa room!! wika ko sa kanya.. "AYY PAK!! Ang the best na pansit ni Tita!! "uy bez nabalitaan mu naba" pagtatanong Niya habang kumakain siya. at ako naman habang nag scroll down sa account sa cp ko. "Ang alin?? sagot ko habang nakatuon pa din sa fb ko. "bez lahat Ng kababaihan dito bukang bibig nila yung dalawang anak ni governor!! "uuwe na daw Yung dalawang Papa ko!!!!!" tili pa nito, tinaasan ko lang siya ng kilay," "At bez nga pala lahat daw ng kadalagahan sa ating barangay at dapat sumali para sa mapipili na miss barangay," "nakapag palista ka naba??" "ako?? gulat ko pa na sagot sa kanya, "At bakit MAY ASAWA KANA?? MAY ASAWA KANA?? ulit na pambabara Niya sa akin, na may kasamang irap, "Alam mu naman bez na Wala ako hilig sa ganyan! Kung gusto mo ikaw na lang!" "AYY pwede!! siguradong talbog sila sa akin! at kahit hindi ako Manalo Basta ma virgin eyes man lang ako ng mata ng PAPA ko!!! kilig na sagot nito na may kasamang tili, "Who's Papa?? natatawang sagot ko!! "Edi Yung anak ni Governorrrr!!! tili pa nito! "balita Kasi Yung dalawang anak ni gov ay kasama daw sa magiging judge!! balita Kasi gwapo daw Yung mga yun! "makagwapo ka naman! bakit nakita mu naba sila?? pagtataray na tanong ko sa kanya! 'Hinde pa!! pero ano kaba balita na yun sa buong barangay natin Ang makalaglag t-back Nila noh!!! 'baka makalaglag panty bez!! natatawang sagot ko" "ayy saken t-back bez dahil yun Ang suot ko!!! "hahaha ewan ko sayo!! tara na nga 5minutes na lang at mag uumpisa na klase naten!! natatawang pagaya ko sa kanya, maaga natapos Ang klase namin dahil absent Ang last teacher namin, kaaya inaya ko si michael na tumambay muna sa bahay, nanunuod kami ni michael sa sala ng dumating si nanay at tatay galing sa pamimili sa bayan, tumayo kami ni michael para matulungan sila sa pagbubhat sa pinamili Nila, pagbalik namin ni michael sa sala narinig ko si itay at inay na may pinag uusapan, pasalihin mo! rinig ko na Sabi ni itay, ayuko Kasi ng mga ganyan anton! Yung ibandera Ang anak ko! sagot naman ng aking ina, hindi pa naman sigurado Kung mapipili anak natin carmen! dahil halos lahat dito pinapalista ni kapitanisa daw sa judge ang kukuha ng 20 na kadalagahan! para maglaban laban, sagot ng aking itay nakakahiya naman Kay kapitan ulit pa ng aking ama, Alam ko na Kung ano Ang kanilang pinag uusapan. yun ay Ang nalalapit na fiesta para sa mapipiling miss barangay,

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
313.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
247.3K
bc

His Cheating Heart

read
43.3K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
701.6K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
332.6K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook