Hi guys? Kung merun man pong mali or error intindihin na lang po ninyo.. maganda po Ang story na ito. Tapusin ko po muna ito bago ko po umpisahan Ang kwento ni Aldrin na Napublish ko na din Ang first Part..
Pakikiligin at papaiyakin po kayo ng kwento ni Albert Casimiro at Ashley buenave..
Happy reading guys. Thank you.
******************************************
Lumabas sila inay at itay galing sa kusina at may inabot sa akin na papel,
"Anak kinausap kami ni kapitan Kung gusto mo daw ba sumali sa nalalapit na miss barangay sa nalalapit na fiesta!
umpisa na salita ng aking ina,
Yung papel na hawak ko ay biglang inagaw ni michael na nagtitili,
"Ayy tita ako na lang ako na lang pwede ba??
"Kadalagahan michael Ang nakasulat diyan sa papel! biglang sagot ng aking ama"
"Oo nga po!! Sabi ko nga! o yan bez mag fill-up kana diyan! kunwaring pang iinis Niya saken."
"ay naku Kung ako lang masusunod ikaw na lang michael Ang sumali!
sabi ng aking ina,
"Nay na hindi Naman po ako sumasali sa mga ganito! Alam Naman po ninyo yan"
pagtangi ko,
"Pero anak kinausap na kami ni kapitan, magpasa ka lang ng papel at picture mo, Kasi hindi pa Naman sigurado Kung mapapasama ka sa 20 na kadalagahan! sabi ng aking ama"
"Ou nga Naman bez! wag ka mag alala ako bahala sayo! tatalunin natin sila! buong kumpiyansa na Sabi nito, hindi na lang ako sumagot"
Kasi ramdam ko Kay itay na nahihiya ito Kay kapitan pag tumangi ako,
"sige po nay itay"
pag sang ayon ko, na lalong ikinatili ng katabi kong si michael,
pagkagising ko ng umaga tumulong ulit ako Kay inay sa pagtitinda at si itay namam ay mamasada na,
binigay ko Kay itay yung ipapasa sa brgy at picture ko.
hindi ko Alam Kung ok naba yun, Basta kasi kumuha na lang ako ng picture sa photo album pero syempre Yung latest na picture Ang pinasa ko
naglakad ulit ako papasuk sa eskwelahan,
may nakita ulit ako na SUV na sasakyan at Kung hinde ako nagkakamali yun yung nakita ko kahapon, pero ngayun nakahinto lng siya sa gilid Kung saan lagi ako dumadaan,
pansinin sa amin Ang mga ganitong sasakyan, dahil bihira Ang mga sasakyan dito sa amin, dahil bilang mo sa kamay Ang masasabi kong nakaka angat sa buhay sa aming lugar,
hindi ko na lang ulit ito pinansin tuloy ako sa paglalakad,
pero hindi ko Alam pero pagdaan ko sakto sa bintana ng sasakyan ay napatingin ako, Alam ko na hindi ko nakikita Ang Tao sa loob, dahil tinted ito,
nilagpasan ko Ang sasakyan at nagpatuloy sa paglalakad, hangang sa makarating ako sa eskwelahan,
tulad ng dati sa canteen Ang tuloy ko habang nag iintay Ang best friend ko,
"Hay bez!
bati ko sa kanya, pero hindi ako nito pinansin at seryoso sa cp Niya,
tinapik ko na ito sa noo,
"huyy bez ano ba!! nandito na ako ahh!!
"Sorry bez Kasi hindi ko mahanap account ng fb ni papa ko e!! para malaman natin Kung gaano talaga siya kagwapo'
"sinong papa??
tanong ko sa kanya,
"Si papa albert casimiro!! naka private ata siya e!
"hay naku Tama na yan makikita mo Naman siya sa fiesta e!
sagot ko,
natapos ulit Ang klase naghiwalay na kami ni michael sa tapat ng bahay namin,
nagbilin siya na babalik bukas dahil sabado at walang klase, mag iisip daw kami Kung ano pwede ko gawin para sa miss barangay,
Nailing na natawa na lang ako, dahil hindi pa nga sigurado kung kasama ako sa 20 na kadalagahan,
sigurado daw kasama ako ramdam daw niya yun,
hinde ako umaasa dun pinagbigyan ko lang si itay dahil nahihiya ito tumangi sa kapitan namin,
dahil Kung isa ako sa lalaban kinakabahan din ako.
dahil hinde ako sanay sa ganun,
hindi ako sanay humarap sa maraming tao na lahat sa iyo nakatingin at hinihintay Kung ano Ang mga gagawin mo,
Sana lang talaga hindi ako mapili,