Dalawang araw mula nung nangyari Ang trahedya na yun nasa hospital pa din si nanay at tatay,
Nasa tabi ako ni nanay nung dumating si michael, May mga dala siyang pagkain at inabot Niya Ang cp ko na nawala na din sa loob ko,
"Kanina pa yan tunog ng tunog sa kwarto mo habang kinukuha kita ng mga damit"
Sabi ni michael Napatingin ako sa cp ko Ang daming missed call,
Tingin ko sa isa international call naka 20 missed call ito..
Yung isa naman number lang at dito lang sa pilipinas, nagpunta ako sa message may message Yung no.
"Nakita ko Kung sino bumangga sa trysicle ng magulang mo, tawagan mo agad ako"
Nanginig Ang buong katawan ko sa galit! Gusto ko pumatay ng tao sa nakikita kong kalagayan ng magulang ko,
Nagpaalam ako Kay michael na may tatawagan lang,
Tinawagan ko yung nag tx saken Sinagot naman niya ako pero ramdam ko sa boses niya ang pag alinlangan,
Inalok ko siya na magkita kami at pumayag naman siya,
Nagkita kami malapit lang sa hospital ayoko kasi lumayo Kung nasaan ang magulang ko,
Nagbilin ako kay michael na pag may problema tawagan agad ako,
Kaharap ko na sng nakakita sa pangyayari, may edad na siya na lalaki trysicle driver din,
Pero nung tinanong ko na kung sino ang nakabangga sa magulang ko, nakita ko ang takot sa mga mata niya,
"iha pasensya kana ha! Nung una tinulungan talaga Kita kasi nabalitaan ko nag iisa ka lang pala na anak at menorde edad kapa!
" Kaya inalam ko Kung taga saan ka inalam ko ang number mo para makipagkita ka sa akin para masabi sayo ang nakita ko,"
"nagpunta ako ng police station para ibalita yung nakita ko pinaiwan nila yung number ko duon."
"Akala ko ikaw yung kausap ko na nag aya na magkita tayo Pero nagulat ako anak ni kapitan!"
"Kasama ang ama niya! Kinausap nila ako Pasensya na iha ha!"
Nahuhulaan ko na kung saan patungo Ang sinasabi niya, naawaa ako Lalo para sa mga magulang ko,
"Mga bata pa anak ko tapos asawa ko may sakit pa trysicle lang ang kinabubuhay namin!"
"Binabayaran nila ako pero hindi ko tinangap dahil ayoko tumaggap ng pera na kapalit ng pananahimik ko"
"Pero iha nagbanta kasi sila na pag nakalabas ito ay ang pamilya ko ang babalikan nila! naiintindihan mo sana ang ibig ko sabihin"
Naiiyak na paliwanag ng matanda,
Sa sobrang sama ng loob hindi ko napigilan ang umiyak sa harapan niya at kuyom ang dalawa ko na kama,
"Babae po ba Ang nakausap ninyo?"
Tanong ko habang umiiyak.
"Oo anak ni kapitan!"
Sagot Niya sa akin na awang awa sa itsura ko,
"Tay pwede ko ba makuha number nung tumawag sa inyo??"
Tanong ko sa kanya na kinagulat at halatang takot siya, hinawakan ko ang dalawang kamay niya habang may sinasabi ako,
"Tay magtiwala po kayo sa akin wala po ako gagawin na ikakapahamak ninyo! Lalo na po ng pamilya ninyo
Mmagtiwala lang po kayo!!"
Nakangiti kong sabi sa kanya habang umiiyak pa din ako,
inabot niya Ang cp niya at kinopya ko ang number na tumawag sa kanya,
Naghiwalay na kami ni tatay at ako naman bumalik na sa ospital,,
Kinwento ko ang lahat aay Michael aalit na galit ang bestfriend ko,
Hinihila na niya ako papuntang police station Pero pinapaunawa ko din sa kanya ang kalagayan nila tatay na nakakita sa pangyayari,
Nanlumo na lang din siya Kinausap ko si Michael na makikipagkita ako kay Annalyn at bantayan niya muna sila nanay,
Pero hindi siya pumayag sasamahan daw nya ako at papupuntahin daw nya dito ang nanay niya para magbantay,
Pumayag na ako kasi hindi ko din alam ang gagawin ko kapag nakita ko ang taong gumawa nito sa magulang ko,
Swerte pa din ako kasi may kaibigan ako na laging nasa tabi ko,
kaya Sabi ko tuloy sa sarili ko,
"Sana bez naging lalaki kana lang para ikaw na lang Ang minahal ko! naiiyak na isip ko..
Dahil hindi mangyayari ang lahat ng ito Kung hindi ko sana minahal ang isang Albert Casimiro..
Tinawagan ko ang number tama nga si tatay anak nga ni kapitan ang may ari ng number,
Nagulat siya ng malaman niya na ako ang kausap niya sinabi ko sa kanya na magkita kami,
Nung una ayaw niya pumayag pero sinabe ko sa kanya na may nakakita ng ginawa niya at nakuhaan siya ng picture nung bumaba siya ng sasakyan,
Ramdam ko Ang sobrang pagkalito niya kaya pumayag din siya makipagkita na kaming dalawa lang pero kasama ko si michael,
Kaharap ko ang babaeng nanakit sa magulang ko gusto ko siya saktan! Pero naisip ko ang pakiusap ni tatay na nakakita sa pangyayari,
Kaya pilit ko kinalma ang sarili ko pinagtago ko si Michael baka kasi pag nakita siya nito ay gumawa ng hinde maganda si annalyn at mabaligtad kami,
Nakatayo kami parehas dahil Wala ako gana maupo, at ganun din siya nagkita kami sa isang lugar na walang Tao,
"Bakit mo nagawa yun!?
Galit na galit na tanong ko Hinde siya nagulat sa tanong k. Pero nakikita ko pa din ang tapang sa mukha niya,
Dahil siguro sa ama niya na kapitan at maraming kapit isa na siguro duon ang governor na ama ng lalaking Minahal ko,
Annaln:"hindi ko ginusto yun!!"
Matapang na sagot Niya.
Ako; "hindi mo ginusto???!!? Halos mapatay mo ang magulang ko!!"
Sigaw ko sa kanya kuyom ang kamay ko na ano mang oras ay handang manakit pag pinakawalan ko,
Annalyn; "nagdilim ang mata ko nung makita ko sila dahil sa galit ko sayo!!!
Bakit ikaw?? Bakit ikaw pa!! Kahit na makulong siya dahil menorde edad ka! Nakit ikaw pa na hinde alam ang ibig sabihin ng totoong pagmamahal! Bakit ikaw pa ang minahal niya!!!""
Sigaw ni annalyn sakin habang umiiyak,
hindi ko naiintindihan Ang sinasabi niya, basta sng alam ko fiance na nga niya si sir Albert tulad ng sinabi niya saken nung huli kami magkita,
Naiiling ako habang umiiyak na nakatitig pa din sa mukha niya na puno ng galit,
Ako; "tulad ng sabi mo masyado pa akong bata para maintindihan ang ganitong uri ng pagmamahal, Pero sa tingin ko ngayon ikaw ang hindi alam ang ibig sabihin niyan!
dahil ang uri ng pagmamahal mo ay sakim! Makasarili! Mapanakit!""
Lalong tumalim Ang mga mata niya
saken.
Annalyn; "ganoon Ang tunay na pagmamahal ashley!! lhat gagawin mo para sa taong mahal mo!! Kaya nga mahal mo Diba?!!!""
Nakangising sagot niya sa akin.
Annalyn; "At sa tingin mo ba pagmamahal din yang paglilihim mo sa magulang mo na nilandi mo fiance ko ha!???"
Sigaw niya sa akin na kinatuod ko sa kinatatayuan ko basta talaga pagdating sa magulang ko nanghihina ako,
Annalyn; "Ano kaya mararamdaman nila pag nalaman nila muntik na silanga mamatay dahil sa kalandian mo??? Kaya wag mo sa akin isisi ang nangyari sa kanila!!! dahil nangyari ang lahat ng ito ay dahil sayo!!!!""
Sigaw nya sa akin na nagpaluhod sa akin sa lupa dahil sa nakita niyang reaksyon ko, napangiti siya at patuloy niya ako nilapitan at patuloy na nagsasalita!
Annalyn; "kaya sige may ebidensya ka nga na ako ang may gawa! At sige inaamin ko sayo ngayon dahil sa galit ko sayo kaya sinadya ko silang patayin! Pero walang mangyayari sa ebidensya mo dahil gagawin lahat ni daddy Ang koneksyon niya para mabaliktad Ang pangyayari!!!
At ano kaya sng mararamdaman ng mga magulang mo pag nalaman Nila Kung ano Ang totoong dahilan ko para saktan sila!!!
""Ha????!!!! Ano ashley!!!!!"'
Patuloy na sigaw Niya sa harap ko naubos angg lakas ko dahil sa mga sinabi niya, iniwan niya akong nakaluhod at patuloy na umiiyak na nakatingin sa lupa,
naramdaman ko na may yumakap sa likod ko nakalimutan ko kasama ko pala siya umiiyak din siya,
"Mali ba ang magmahal??!!
"Oh mali na siya ang minahal ko!!!"
umiiyak na tanong ko kay michael,
Sinagot din niya ako habang umiiyak.
"Sa ngayon hindi kita masasagot sa tanong mo! Naloka ako sayo bez!"
"basta ang masasabi ko lang nagmahal ka lang!"