albert pov2

914 Words
Labis Ang tuwa ko nung kaarawan ko dahil hindi ko inaakala na makikita siya sa mismong harapan ko, Kumakanta na naman siya at tulad nung una sakin lang siya ulit nakatingin hangang sa natapos niya Ang kanta, Gusto ko siya takbuhin para yakapin sa sobrang tuwa, pero may biglang kumausap sakin para saglit siya mawala sa paningin ko, Sobra sobra Ang tuwa ko nung umamin siya na crush niya ako, At least kahit papaano may katiting ako na pinanghahawakan Habang hinihintay ko siya sa tamang edad at palalaguin ko ang damdamin niya na yun para Mahalin ako, Nung araw ng graduation niya gusto ko nanduon ako sa espesyal na ganap sa buhay niya, pero nagkaroon ng emergency sa family business namin kaya napilitan ako lumuwas ng maynila, Pero kahit nanduon ako lagi ako na sumisilip sa sss niya baka sakali na kahit man lang duon ay alam ko ang ganap sa buhay niya, Sobrang selos ko nung makita ko na may lalaki na nakaakbay sa kanya sa picture, pero nanlaki ang mata ko nung magpost ang bestfriend niya na nakatag sa kanya litrato nila na umiinum, Pinilit ko makabalik dahil gusto ko kasama niya ako sa mga importanteng ganap sa buhay niya, Unti unti nararamdaman ko na nagkakaroon na ako ng puwang sa puso niya, dahil ayoko ng crush niya lang ako gusto ko Mahalin niya ako Pagkatapos nung huling pagkikita namin biglaan ako pinauwe ni mommy ng maynila dahil Lalo lumala Ang problema sa company, kailangan ko daw kumbinsihin Ang mga investor na halos lahat ay nasa korea, kaya lumipad ako agad sa korea hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam sa kanya, Pero binilin ko siya Kay Adrin na balitaan ako tungkol sa kanya, pero nung mga araw na yun ay masama pala ang loob ng kapatid ko sa akin, Dahil Ang babaeng mahal pala nito ay ako ang gusto, dahil wala ako makausap tungkol sa babaeng mahal ko, tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot, Hindi ako tumigil ng kakatawag basta may pagkakataon pero ayaw niya talaga sagutin, nakausap ko si Aldrin isang araw bago ako umuwe, Pinakiusapan ko siya na puntahan na si Ashly dahil mababaliw na talaga ako, Naramdaman niya ang paghihirap at pakiusap ko kaya pumayag siya, pero labis ang kinagulat ko nung tumawag sakin bigla si Adrin na naaksidente daw Ang mga magulang ni Ashly, At nagtataka daw siya ang lamig daw ng pakikitungo sa kanya nito, halos ayaw daw siya kausapin nagalit ako ay nagtataka ano nangyari sa kanya dahil nung huli namin pagkikita ay masasabi ko na may unawaan na kami, Gusto kong lumipad nung araw na yun, hindi ako makapag isip ng maayos kaya pilit ko pa rin siya tinatawagan, Ayaw niya talaga sagutin hangang sa hindi ko na matawagan Ang cp niya, Pagkababa ko ng eroplano sa Mindoro agad ang tuloy ko, hindi na ko nag abala na umuwi muna ng bahay sa makati dahil gusto ko na siya Makita miss na miss ko na siya, Habang nasa biyahe nakita ko siya kasama si Michael at kaklase niya na patawid ng kalsada papunta sa lugawan, pinagmasdan ko muna siya ang laki ng pinayat niya pero bumagay sa kanya ang pagkapayat niya, Lalo lumitaw ang magandang hugis ng katawan Niya, Ngumingiti siya sa mga kausap niya pero halata sa mata niya ang lungkot, napabuntong hininga ako ng malalim sabay tanong sa hangin, "Baby ano nangyare sayo" Hindi na ko nakitiis na hintayin sila matapos kumain inikot ko ang sasakyan ko para makatawid sa kabilang kalsada Kung saan sila nanduon, Nagulat siya sa akin nung bigla ko siyang hawakan at pinakiusapan na mag usap kami, Nung una tumatangi siya pero kalaunan pumayag siya, Sa loob ng sasakyan halos ayaw niya ako tignan, halos madurog Ang puso ko, Pilit ko siyang pinapaharap sa akin dahil ayaw niya talaga ako tignan, nung mapilit ko na iharap Ang mukha niya sa akin, umiiyak siya iyak siya ng iyak, Parang unti unti pinipilit Ang puso ko sa nakita ko, walang tigil siya sa kakaiyak halos hindi ko namalayan na umiiyak na din ako habang pinupunasan Ang mga luha niya na ayaw tumigil sa pagdaloy, labis ako nasaktan sa mga huling sinabi niya, pinalalayo niya ako gusto niyang bumalik sa dati na hindi niya ako kilala, Nung una natulos ako sa harapan niya pero bigla ko siya niyakap ng mahigpit na para bang ano mang oras ay mawawala siya, Pero awang awa ako sa itsura niya sa pakiusap niya at sa pag iyak niya, Umiiyak na din ako habang sinasabi g "Sige baby hahayaan muna kita ngayun, Pero aalamin ko kung bakit ka nagkakaganito! At maghihintay ako!" Hinalikan ko siya sa labi habang unti unting pinakawalan at nagmadali siya lumabas at tumakbo palayo sa akin, Halos basagin at sirain ko Ang loob ng sasakyan ko dahil sa nakikita kong tumatakbo papalayo sa akin ang una't huling babae na mamahalin ko, Nakasubsob pa din Ang mukha ko sa sasakyan halos hindi ko ramdam Ang pag agos ng dugo sa kamao ko dahil sa kakasuntok sa bintana ng kotse ko, Kinuha ko Ang cp ko at may tinawagan ako, may nangyari talaga habang Wala ako at yun Ang aalamin ko, Wala silang karapatan gawin ito sa babaeng mahal ko! Pagkatapos ko ibigay ang impormasyon ni Ashley sa taong kausap ko, napatingin ako sa likod ng kotse ko, Kinuha ko ito at binuksan isa itong gitara na ibibgay ko sana sa kanya, Pero pangako maibibigay ko sa kanya ito sa tamang panahon,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD