Mabilis tinahak ng mga paa ko ang direksyon pabalik sa nasusunog na building. Balot na nang nagngangalit na apoy ang halos kalahati ng third floor, mabuti na lang at ang isa pang hagdan patungo sa pinakamataas at huling palapag ay hindi pa masyadong naaabot. Ngunit bago ako makapunta roon ay may ilang nasusunog nang parte ng building. I’m just following my gut feeling. Gusto ko lang masigurado ang sinabi ni Lara na wala na ngang naiwan dito. “Oh, sh-t!” Hindi ko maiwasang hindi mapamura nang muntik na akong tamaan ng bumagsak na pinto. Mabilis ang katawan na iniilagan ko ang mga nahuhulog na debris. Ramdam na ramdam ko na rin ang init, hindi bale, ngayon ay alam ko na ang pakiramdam ng nasa impyerno. Hindi ko na kailangang problemahin at hindi na rin maninibago kung s

