Alam kong nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakalimutan ko yatang may ibang tao nga pala sa paligid ko. I get back on my stoic face. Hindi pwede ang masiyadong masaya. “O-okay! Let’s get back to our business.” Ipinalakpak ni Mr. Sarte ang kaniyang kamay para kunin ang atensyon naming lahat. Napansin niya yatang natatahimik na naman ang lahat. Mas gusto ko dati ang tahimik, naiinis ako kapag sobrang gulo. Mas nasanay kasi ako na mag-isa lang. Mas gusto ko na lang din mawalan ng pakialam sa lahat dahil ayokong pinapakialaman din ako ng kahit na sino. Pero simula noong pumasok ako rito ay mas matatagalan ko yata ang ingay at gulo, ‘wag lang iyong sobrang awkward tulad ngayon. Hindi ko rin matagalan sa tuwing nakikita kong ang lahat

