FOURTEEN

2959 Words

“Pasensya na, Mr. Madrigal.” Hinging-paumanhin ng propesor sa lalaki. “Magsisimula na tayo.”     Nababalot pa rin ng katahimikan ang paligid. Kailangan lang pala magsalita ng president para tumigil sa kaingayan ang lahat. Pero sa halip na sa kanila siya magalit ay bakit ako ang sinasamaan niya ng tingin ngayon? Kahit nasa malayo ay kita ko ang mabibigat na paghinga niya. Pakiramdam ko ay lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. Hindi ko rin alam kung namamalikmata ba ako pero lalo yatang sumama ang timpla ng mukha niya nang dumapo ang mata sa aking mga hita. Oo na, alam ko naman na hindi bagay sa akin. Kaya nga ayokong nagsusuot ng ganito. Iniiwas ko na lang ang tingin sa kaniya at pinilit na ituon iyon sa lalaking nagsasalita sa harapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD