“Anong ginagawa n’yo?” tanong ko sa kanila. Kakatapos lang nang nag-iisa naming klase para sa umagang ito at ang mga damuho ay nakapalibot sa upuan ko. Para silang mga bata na pagkatapos maglaro ay hihingi ng gatas sa kanilang ina. Hindi pa nakakalabas ang professor namin ay nagsitayuan na sila para pumunta rito sa likod, sa pwesto ko. “Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo? Bakit kayo nandito?” tanong ko muli. “Baka kasi may kailangan kang ipag-utos, boss.” Napapangisi si Sakuragi na siyang sumagot sa tanong ko. “Oo nga naman, boss. May ipapabili ka ba? Gusto mo ng tubig o sandwich? Name it, we will buy it,” saad naman ni Bruno na nakuha pang kumindat sa akin. Tumango silang lahat sa akin. Hindi ko lang alam kung makatango pa ang mga ito kapag nagsal

