ALEX MABILIS ang pagtahip ng aking dibdib dahil sa labis na pagkakalapit ng aming mga mukha. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang hawakan n'ya ang parehas kong kamay. “W-What are you doing?“ nauutal kong tanong. Pilit kong ikinukubli ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako magpapasindak sa kaniya. “Your hands are dirty for touching that man,” malamig ang tinig niyang turan. “Ano namang paki mo?“ mataray kong saad. Tumaas ang isang kilay nito bago ngumisi na mas lalong ikinalakas ng kabog ng aking dibdib. “We should clean this up,” nakangising turan niya. “W-What do you mean?“ Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay ipinasok niya sa kaniyang bibig ang aking daliri saka iyon dinilaan. Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata dahil sa kaniyang ginawa. Hindi ko iyon inaasahan kay